Marami ang namangha sa 7-buwang gulang na batang ito dahil sa kaniyang makapal at napakagandang buhok!



Kung madalas kang gumagamit ng iyong social media account, marahil ay batid mo ang mga katagang “#Hairgoals”. Siguro ay oo ang iyong sagot, ngunit aakalain mo bang ang isang 7-buwan gulang na batang ito ay gagamitin din ang mga katagang iyon?

Si Baby Chanco ay nagtataglay ng pambihirang buhok kung kaya naman hindi na nakapagtatakang magkaroon siya ng higit sa 70,000 na mga tagahanga sa social media! Talaga namang kakaiba ang buhok ng sanggol na ito. Dahil sa murang edad pa lamang ay talaga namang tila matanda na siya sa pagiging malago at makapal ng kaniyang buhok. Disyembre 2017 lamang siya nang ipinanganak siya sa Japan, at talaga namang pinagkaguluhan at hinangaan ang kaniyang “crowning glory”.



Marami ang kaniyang mga naging taga-hanga sa iba’t-ibang panig ng mundo at talaga namang sa tuwing makakakita sila ng larawan ng bata ay hindi nila mapigilang mapatunganga sa angking kagandahan ng batang ito.


Tiyak na marami ding mga tao ang nangangarap na magkaroon ng buhok na katulad ng sa sanggol na ito. Tunay nga namang mayroon talagang mga taong pinagpapala ng ganitong angking kagandahan ng buhok at pagiging malago at makapal nito samantalang marami din naman sa atin ang mayroong manipis at hindi masyado kagandahang buhok.


Marami din namang mga netizen ang nagtatanong kung paanong nagkaroon ng napakagandang buhok ang bata na ito. Nasa dugo kaya nila ito? O kaya naman ay mayroong napaglihihan ang kaniyang ina noong siya ay ipinagbubuntis pa lamang? Mayroon kayang partikular na pagkain na dapat kainin o di kaya naman ay mga gawi o aktibidad na kailangang gawin upang gaya ni Baby Chanco ay magtaglay din ng napakagandang buhok na ito! Tiyak na marami ang nagnanais na masagot ang mga katanungang ito!






error: Content is protected !!