Isang OFW ang nakatanggap ng pambili ng bahay at lupa sa kaniyang mga amo, pagkatapos nito ay sasakyan naman ang ibinigay ng mga ito!



Isang Pinay na domestic worker sa Abu Dhabi ang binigyan ng kaniyang mga amo ng Dh23,000 o katumbas ng halos P320,000 upang makabili siya ng sarili nilang bahay at lupa sa kaniyang probinsiya sa Pinas noong nakaraang Oktubre 2017. Ngunit kamakailan lamang ay ikinabigla niya rin ang nakamamanghang regalo sa kaniya ng kaniyang mga amo noong ika-3 ng Enero 2019, isang sasakyan!


Isang taon nang nakalilipas nang si Dina Tenerife Celo, 47 taong gulang na mula sa Sagñay, Camarines Sur ay itinampok ang kaniyang buhay bilang isang OFW sa The Filipino Times. Taong 1998 nang siya ay magsimulang magtrabaho sa kaniyang Emirate employer na si Melissa McPike. Siya ay niregaluhan ng second-hand na Nissan upang hindi na siya mag-commute sa tuwing bibisitahin niya ang kaniyang anak na nagtatrabaho din sa United Arab Emirates.




Ayon kay Dina, sadyang nahirapan na siyang mag-commute ng magsimula ang re-routing ng mga bus na kaniyanf sinasakyan noong Disyembre. Dahil sa pagnanais niyang makita at makasama ang kaniyang anak ay binabalewala na lamang niya ang kaniyang paghihirap.


Dagdag pa niya, nagulat siya ng sabihin sa kaniya ng kaniyang amo na sa susunod na dalawang linggo ay hindi na niya kakailanganing sumakay pa ng bus. Laking pasasalamat niya sa kaniyang mga amo dahil sa pagmamalasakit ng mga ito sa kaniya. Hindi na niya kakailanganin pang sumakay ng dalawang bus at maghabol pa ng oras para lamang makapunta sa kaniyang anak. Salamat sa kaniyang mga amo na may mabuting mga puso!



Ayon din naman kay Melissa, sadyang mapagkakatiwalaan at talaga namang masipag si Dina. Dagdag pa niya na hindi na iba ang turing nila kay dina kundi isang kapamilya. Aakalain mo bang bukod pa sa sasakyan ay may ibinigay pang mga regalo si Melissa at kaniyang mga anak kay Dina.


Tunay ngang mapalad ang ating kababayan na magkaroon ng mga amo na talaga namang pinahahalagahan at minamahal sila bilang parte ng kanilang pamilya.





error: Content is protected !!