Nag-ala spiderman ang empleyado ng bangko na ito dahil sa huling araw na niya sa trabaho!



Isa ka rin ba sa mga nangangarap na gumawa ng nakakatuwa at kakaibang bagay sa opisina o sa iyong trabaho nang hindi iniisip na ikaw ay mapapagalitan ng iyong amo o di kaya naman ay matatanggal sa trabaho. Ito na marahil ang pinakaaasam-asam na pangarap ng isang empleyado na mula sa hindi pinangalanang bangko sa São Paulo, Brazil sa kaniyang huling araw sa trabaho.


Sa nasabing viral post, nakapagpasa na pala ng “resignation letter” ang nasabing empleyado kung kaya naman sinamantala na niya ang huling araw niya para magawa ang matagal na niyang pangarap sa kaniyang pagtatrabaho. Sa huling araw ng kaniyang trabaho ay gumawa siya ng talaga namang hindi malilimutang karanasan sa kanilang opisina. Mga prank na talaga namang nagpasaya at nagpatawa sa kaniyang mga ka-opisina.



Ayon din naman sa caption ng nasabing viral na mga larawan ay napagalit niya ang kaniyang boss sa kaniyang mga ginawang kalokohan sa huling araw niya sa kaniyang trabaho.  Talaga nga namang nakakatuwa ang ginawang ito ng isang empleyado na marahil ay pangarap din ng maraming mga empleyado tulad niya. Tunay ngang ang kasiyahan sa isang trabaho ay hindi mapapantayan ng ano mang materyal na bagay o salapi.



Ang huling araw niyang ito sa opisina ay isa sa pinaka hindi makakalimutang karanasan ng kaniyang mga katrabaho, kaniyang boss at maging ng kaniyang sarili. Ang galak at kasiyahang kaniyang naibahagi sa maraming mga tao at maging sa mga netizen ay tiyak na titimo sa kanilang puso at isipan.


Ikaw? Ano ang pinakanakakabaliw na bagay na nais mong gawin sa huling araw mo sa iyong trabaho?


Source: RachFeed




error: Content is protected !!