Categories: Viral

Ang Coffee Shop na ang sahig ay may tubig at isda! Pwede pang mag-Fish Spa!

Marami ang magsasabi na ang pinaka-magandang business ay patungkol sa pagkain. Ito ay dahil sa lahat ng tao ay kumakain. Pero sa higpit ng kompetensya sa bawat lugar mahirap mapanatili ang isang negosyo sa pagkain. Kaya naman umiisip tayo ng magandang pakulo upang dayuhin ang nabuong negosyo.


Bukod pa sa pagkaing negosyo, marami na ring mga nagtatayo ng coffee shop. Dahil din ito sa pagkahilig ng tao sa kape at sa mga matatamis na desserts. Pero kung iisipin nga naman, mahirap ding makipag-kompetensya sa mga sikat na coffee shops lalong-lalo na sa mga coffee shop sa malls. Pero kung lalawakan lng ang pag-iisip, pwede kang maka-gawa ng panghatak sa mga tao. Ito ay ang pagiging kakaiba mo sa ibang negosyo. Katulad na lamang ng isang coffee shop na ang pangalan ay Amix Cafe. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng Ho Chi Minh sa bansang Vietnam.

Kakaiba ang mararanasan mo sa Amix Cafe dahil ang sahig nito ay napapalibutan ng tubig at maraming isda. Ang mga nagpupunta dito ay nagtatanggal ng sapin sa paa. Para kang nasa-ilog habang nasisiyahan sa masarap na mga inumin at pagkain. Nakaka-relaks din ito sa mga nagpupunta dahil mayroon ding fish spa nakaka-tanggal ng mga kalyo sa paa. Ang taas ng tubig ng sahig ay hanggang bukong-bukong kaya naman malayang nakaka-libot ang mga isda sa loob ng Amix Cafe. Bukod sa mga Isdang nanlilinis ng Paa, nakaka-aliw din pagmasdan ang mga Koi Fish na lumalangoy.


Na-iingatan ang mga isda sa Amix Cafe sa pamamagitan ng Filtration System upang mapanatili ang kalinisan ng tubig. Bago din pumasok ang kostumer, sinisuguradong nalinis muna ang mga paa bago umapak sa mismong lugar. Layunin ng Amix Cafe ang bukod tanging karanasan sa mga pumupunta sa kanila. Kaya naman kung naisipan mong magpunta sa Vietnam, dayuhin niyo ang kakaibang Coffe Shop na ito.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago