Hindi man naka-tapos ng pag-aaral, naging milyonaryo naman ang lalaking ito



Ang edukasyon ay ang susi para sa ating kinabukasan. Karamihan ay lubos ang pagpapa-halaga sa edukasyon. Ito kasi ang magiging sandata ng mga taong sasabak sa mundo ng pagta-trabaho upang maging matagumpay sa buhay. Pero paano na lamang ang mga taong hindi naka-tapos ng pag-aaral? Wala na ba silang kinabukasan? Magiging mahirap na lamang ba sila?


Minsan, ang katotohanan ng buhay ay magulo. May mga ibang nakapag-tapos ng pag-aaral ngunit ala pa rin nagbago sa buhay nila. Minsan naman, kahit na nakapag-tapos ng pagaaral, hindi naman makahanap ng magandang trabaho dahil sa higpit ng kompetensya.




Pero sa mga ilang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral, huwag panghinaan ng loob! Dahil ang pagsubok sa buhay ay kailangan kayanin. Nasa diskarte lang yan kung paano ito malalampasan upang makamit ang kaginhawaan. Katulad na lamang ng kwento ng isang lalaking pangalan ay Saipol Azmir Zainuddin. Siya ay taga Malaysia na isang taga-alaga ng mga baka.


Nahinto ng pag-aaral si Saipol noong siya ay anim na taong gulang. Sa murang edad ay namulat na ang mga mata niya realidad ng buhay. Sa mga panahong ito ay naging batak na siya sa pagtatrabaho. Ayon sa kanya, hindi siya huminto ng pag-aaral upang maging isang construction worker, bagkus pangarap niya ay maging isang magsasaka.


Sa pag-aalaga ng baka ay kumikita siya ng Php 10,000 kada buwan at pinag-patuloy niya ito ng siya ay sumapit ng edad na 18 at nagkaroon ng 300 na baka. Naging hugutan ng lakas ang pangarap na magkaroon ng Farm balang araw, pinagsumikapan niya lahat. Sa edad na 19, sa tulong ng Farmer’s Organisation Authority Malaysia (LPP), siya ay nakapag-loan ng Php 1,000,000 upang matupad ang pangarap na farm.




Ngayon ay matagumpay na siya! Sa edad na 33 ay nagmamay-ari na siya ng isang farm na may 700 na baka, 150 na kambing, at 30 na buffalo. Dahil sa kabuhayan na ito ay umabot ang kanyang kita noong nakaraang taon na 1 Million Ringgit! Ito ay dahil sa kanyang sipag at pagpupursigi sa buhay.





error: Content is protected !!