Lea Salonga, ibinahagi ang kaniyang pagkadismaya sa nakakabahalang PWD ramp!



Ang Pinay na Broadway Diva na si Lea Salonga ay talaga namang hindi na nakapagpigil na ibahagi ang kaniyang opinyon patungkol sa larawan ng isang PWD o Persons With Disabilities ramp na naging usap-usapan sa social media. Ang nasabing rampa para sa mga Persons With Disabilities na hindi pa nalalaman ang eksaktong lokasyon ay talaga namang nakapukaw ng atensyon ng marami dahil sa nakababahalang pagkakalagay nito. Ito ay nagmukhang padulasan kaysa isang rampa na maaari din maging dahilan ng mas malaki pang kapahamakan o disgrasya.


Kapansin-pansin na ang nasabing rampa na ito ay hindi nakasunod sa Batas Pambansa Blg. 344, “An Act to Enhance the Mobility of Disabled Persons by Requiring Certain Buildings, Institutions, Establishments, and Public Utilities to Install Facilities and Other Devices. Ayon pa sa ibinahaging larawan ng kaibigan ng beteranang singer na si John Imutab ay talaga nga namang ibang lebel ang rampa ng mga PWD sa ating bansa. At hindi rin naman ito pinalampas ng maraming mga taong nag-aalala din sa maaaring maging resulta ng nasabing maling paglalagay at pagtatayo ng rampa. Ilan din naman sa mga netizen ang nagbigay simpatya sa larawang kumalat sa social media. Inihambing nila ang rampa na ito sa isang sirkus, sa bundok Everest, at tila laan pa nga raw sa mga “skaters”.




Ayon din sa isang paalala ng physical therapist na dapat pakatandaan at bigyan-pansin, “The rate of incline should be 1:12 for self-propelled wheelchairs. This means the ramp must raise 1 inch in height for each 12 inches of ramp length. To conform to ADA standards a 9-foot rise (108 inches) would require a ramp to be 108 feet long.” Dahil sa paglaganap ng nasabing larawan na ito, umaasa ang nakararami na mas mabibigyang-pansin at aksyon ng atoridad ang nasabing rampa at hindi na masundan pa o magaya ng iba.




error: Content is protected !!