Miss Universe Vietnam 2018 H’Hen Nie bumisita sa Pilipinas at nasiyahang kumain ng ating ‘tuyo’ sa isang mangkok na kanin!



Si Miss Universe Vietnam 2018 H’Hen Nie marahil ang isa sa pinakanapusuan ng maraming manunuod sa nakalipas na “Miss Universe 2018 pageant” kasabay ng ating kapwa Pilipino na si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Talaga namang siya ay hinangaan lalo na ang kaniyang maiksing buhok na hindi naman madalas makita sa mga ganitong uri ng patimpalak dahil karamihan sa mga kandidata dito ay mahahaba ang mga buhok.


Bagamat siya ay isang banyaga, maraming mga Pilipino ang talaga namang napamahal sa kandidatang ito. Lalo nang naging hayag sa marami ang kaniyang pagsisimula. Magmula sa pagsusumikap at pagsuporta niya sa kaniyang sarili habang siya ay nag-aaral, hanggang sa pagiging yaya niya, modelo at maging sa pagiging isang “beauty queen”. Hindi lamang ang kaniyang matinding determinasyon at pagsusumikap ang nagpahanga sa publiko kundi maging ang pagiging mabuti niyang tao at pagiging mapagpakumbaba niya.



Nang siya’y nagbalik sa kaniyang bayan na kinalakhan hindi nagdalawang-isip ang Miss Universe Vietnam 2018 na tumulong sa kaniyang mga kababayan na naghihirap at nangangailangan ng tulong. Ang kaniyang napanalunan na pera bilang runner-up ng Miss Universe 2018. Tunay nang pinatunayan lamang niya na karapat-dapat siya sa lahat ng pagmamahal at papuring tinatamasa niya ngayon.



Sa hindi malaman na dahilan ay namataan siya sa Ninoy Aquino International Airport kasama ng kaniyang Filipino coach na si Anjo Santos. Maraming mga tagahanga niya ang sumalubong sa kaniya sa nasabing paliparan, at talaga namang ikinagalak niya ang mainit na pagtanggap ng mga Pilipino.


Nagbahagi din siya ng isang video ng kaniyang naging karanasan sa ating bansa. Sa nasabing post ng beauty queen ay ipinahayag niya ang kaniyang kasiyahan na makitang muli ang kaniyang coach na si Anjo Santos at ang kaniyang pasasalamat sa napakasarap at napakainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa kaniya. Nagbahagi din siya ng kaniyang larawan habang kumakain ng paboritong niyang “tuyo” o “dried fish” na ikinasorpresa ng maraming mga Pilipino. Pag-amin pa niya ay kaya niyang makaubos ng isang mangkok na kanin nang isang “tuyo” lamang ang ulam!





error: Content is protected !!