Naaalala mo pa ba si Carrot Man? Ito na pala ang buhay niya ngayon!



Iba na nga talaga ang panahon natin ngayon. Kung dati ay sanay tayo nang walang “internet connection”, walang mga mamahaling gadget, walang “social media”, ngayon ay tila naging isa na ito sa mga pangunahing pangangailangan natin. Tunay ngang simpleng buhay lang meron tayo noon, ngunit marami din namang magandang dulot ang modernong teknolohiya natin ngayon.


Ilan na marahil sa mga natulungan ng social media ay ilan sa mga simpleng tao na hinangaan dahil sa kakaiba nilang mga talento, pisikal na anyo, at karakter. Isa na rito ang kilalang-kilala ng lahat na si Carrot Man.




Ang tunay niyang pangalan ay Jeyrick Sigmaton. Isang netizen ang kumuha ng kaniyang larawan habang nagbubuhat ng gulay at ibinahagi ito sa social media. Talaga nga namang agad agad na nakapukaw ito ng atensyon ng publiko at labis na hinangaan ang kaniyang makisig na pangangatawan at gwapong hitsura.


Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na ang dating kargador ng gulay ngayon ay isa nang modelo at paminsan-minsan ay lumalabas din sa telebisyon. Bukod sa kaniyang panlabas na anyo ay hinangaan din siya sa kaniyang dedikasyon sa kaniyang pamilya lalo na ang pagsuporta niya sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. Sa ngayon ay may mga pinipirmahan pa rin siyang mga kontrata bilang isang modelo.\



Bukod sa kaniyang pagpupursigi para sa kaniyang pamilya, ay ginagamit din niya ang kasikatang natamo upang ipagmalaki at ipaalam sa iba pang mga tao ang mayamang kultura ng tribu na kaniyang pinagmulan. Tunay ngang isa siyang inspirasyon nang napakaraming mga Pilipino na hindi nakakalimot sa lahi na kanilang pinagmulan. Kasabay ng pagmamahal sa sariling pamilya ay ang pagmamahal din sa kaniyang tribu na pinagmulan.




error: Content is protected !!