Estudyanteng nanguna sa Architecture Licensure Exam lubos na napahanga ang publiko dahil sa kaniyang pagtitiyaga at kasipagan sa pag-rereview!



Isang babaeng mag-aaral ang nakapagtapos sa isang paaralan sa Cebu City at siya ay nanguna sa Architecture Licensure Examinations (ALE) na ginanap noong Enero 2019. Siya ay nakakuha ng grado na 83.80% at kamakailan lamang ay ibinahagi ng kaniyang kapatid ang kamangha-manghang larawan ng kaniyang silid na namumutiktik sa mga papel at aralin.


Si Justine Lei Ramos ay nanguna sa 1,120 na mga estudyanteng pumasa rin sa nakalipas na pagsusulit noong ika-25 at ika-27 ng Enero. Siya ay nakapagtapos sa Cebu Institute of Technology-University (CIT-U) sa Cebu City. Agad niyang nakuha ang atensyon ng mga tao dahil sa kaniyang kwarto na talaga namang hitik na hitik sa mga papel at mga sulat na tila bumaha ng mga reviewer sa kaniyang silid!


Ang kaniyang kapatid na si Sean Ramos ang nagbahagi ng mga larawang ito na talaga namang hinangaan ng marami sa social media. Kasabay nito ang pagbabahagi ng nakamit na tagumpay ng kaniyang kapatid sa nakaraang Architecture Licensure Exam.




Lubos na hinangaan ang ginawang ito ni Justine dahil sa kitang-kita ang kaniyang labis na dedikasyon at kasipagan lalo na sa mga sulat-kamay niyang mga reviewer. Marami din naman ang nagsabing balak nilang gayahin ang istratehiyang ito ng estudyante at nang maging sila ay makapasa din sa mga pagsusulit.



Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay hindi ito ang unang kurso na kaniyang ninanais. Bagkus ay isa siyang mag-aaral ng MedTech noon na ayon sa kaniya ay hindi niya talaga gusto dahil tila hindi siya nahamon sa nasabing kurso kung kaya naman nang siya ay lumipat ng kursong arkitektura ay naramdaman niyang natagpuan na niya ang kaniyang hinahanap. Talaga nga namang walang makahihigit sa matinding tiyaga at sipag samahan pa ng talino at pananampalataya sa Diyos, tiyak na walang magiging imposible at lahat ay magiging matagumpay.




error: Content is protected !!