Isang batang tindero ng sampaguita, binilhan ng bagong sapatos ng isang foreigner



Hindi maitatanggi ang kahirapan ng iba nating kababayan. Sa hirap ng buhay ngayon kahit anong trabaho ay papasukin para lamang maka-kain. Kaya naman dapat ipagpasalamat kung ikaw ay nakaka-ranas ng kaginhawaan sa buhay. Dahil kung ikaw ang nasa sitwasyon nila malamang ay mararanasan mo ang hirap ng buhay.


Kaya mas mainam ang magbigay kaysa sa tumanggap! Pero mahirap pa ring minsan isiksik sa isipan ng ibang tao. Kung sana ay lahat ng tao ay mapag-bigay malamang ay walang naghihirap ngayon sa mundo. May ilan kasing mga tao na mapagsamantala at di marunong makuntento. Pero gayon pa man hindi lahat ay maramot. Marami pa rin ang may mabubuting loob. Katulad na lamang ng isang foreigner na naging isang mabuting samaritano sa isang batang tindero nang sampaguita.




Kahit na hindi pinoy, ipinamalas ng isang foreigner na lalaki ang kanyang busilak na puso sa isang batang tindero ng bulaklak. Karaniwan kasi sa mga nagtitinda ng mga sampaguita ngayon ay mga bata. At talagang nakaka-awang tignan dahil madalas ay marumi sila. Pero netong ika-26 ng Enero taong 2019, isang pangyayari ang ikinabilib ng maraming pinoy. Ito ay ang pagbili ng sapatos ng isang turista sa batang nagbebenta ng sampaguita.


Bitbit ng turista ang biniling sampaguita, sinamahan niya ang maswerteng bata sa isang kilalang tindahan ng sapatos. Kahit marumi ang paa, sinukatan ito upang maging angkop sa kanya ang ibibiling sapatos. At ng naka-hanap na ang bata ng kanyang sapatos binayaran na ito ng foreigner. Walang mapag-lagyan ang kasiyahan sa mukha ng bata.


Maraming pumuri sa kagandahang loob nitong foreigner. Ilan sa mga magagandang komento ay ito:
Arnel Haboc God bless you sir! To God be the Glory! Bless you sir!
Rudie Venter Humanity & kindness the best gift of all.
Maurelline Gonzales Semaña It’s rare to find a person with a kind heart :”). God Bless u alwys


A street boy tried to sell flowers to a tourist and this one when he saw him barefoot bought him shoes….????????❤️Ctto:

Posted by Fame Kicks PH on Friday, January 25, 2019

Roselle Garcia Grateful heart. God bless you more / Maria Trisha Barrameda GOD BLESS / Lonna JS God bless you sir. / Jea Amor Amper Estrella God bless this man! / Dhi Vyn God bless both of them. / Nh Herlena God bless both of you / Azry Ismail Gracious…may the lord bless your kindness.




error: Content is protected !!