Ito ang ilan sa mga pambatang laro ng pinoy noon



Dati napa-pagalitan ka ng magulang mo dahil kapag umuwi ka ng bahay, sobrang dusing mo. Minsan pa nga, ang nagiging kulay ng damit na puti ay nagiging kulay brown dahil sa duming nakukuha. Pero kahit mapagalitan ng magulang, hindi mapapalitan ang kaligayahan ng isang kabataan. Pero ano na kaya ang nangyari sa mga kabataan ngayon? Naglalaro pa ba sila sa labas ng bahay? Marahil kakaunti na lang ang nagiging masaya dito.

 



Karaniwan na sa mga kabataan ngayon ay mas nagugustuhang manatili sa bahay upang makapag-internet, maglaro ng kompyuter o kaya naman sa cellphone, o kaya naman manuod ng mga palabas sa telebisyon. Hindi natin mapipigilan ang pagbabago nangyari sa pagka-moderno ng mundo. Ang nakaka-lungkot lang isipin ay hindi nila naranasan ang laro na kinagiliwan ng maraming batang Pilipino.

Ito ang ilan sa mga pambatang laro noong 90’s:

Mataya-taya




Ang larong ito ay takbuhan. Mayroon isang bata ang hahabol sa kanyang mga kalaro at kapag nahawakan niya ito at sinabing “taya” siya na ang magiging tagahabol


Langit-Lupa




Ito ang laro na parang mataya-taya din. Pero kapag nasa langit (naka-tungtong sa mataas) ang hinahabol hindi niya, hindi niya ito matataya, kailangan niyang bilangan upang bumaba sa lupa.

Tagu-taguan


“Tagu-taguan maliwanag ang buwan…” Marahil ito ang pinaka-sikat na laro noon. Magtatakip ng mata ang tagahanap at magbibilang ng matagal. Kailangan niyang hanapin ang mga kalaro niya upang maging iba naman ang taga-hanap.

Patintero


Ang mga naglalaro nito ay gumuguhit sa sahig ng mga linya upang magsilbing marker. Ang dalawang grupo ay ang mga taga-harang at mga taga-takbo. Kailangan ay may isang makalampas upang manalo ang grupo.



Agawan base


Ang larong ito ang isa sa mga kinagigiliwan ng mga bata noon. Ito ay larong tayaan din pero kapag nataya ka kailangan mong pumunta sa base ng kalaban. Para manalo ay kailangan mong mahawakan ang base ng kalaban upang maagaw. Marami pang mga larong kinagigiliwan ng mga kabataan noon. Ilan dito ay paglalaro ng teks, jolen, kadang-kadang, sipa, tumbang preso, lutu-lutuan, jackstone, trumpo at marami pang iba. Ang nakaka-lungkot lang ay kakaunti na lang ang nakakapag-laro ng mga ganitong pisikal na laro. Malaki ang naitulong ng mga larong ito sa atin dahil natutunan natin mapag-pawisan at maging masaya na kasama ang ating mga kaibigan.




error: Content is protected !!