Kasayaw ng debutanteng ito ang isang “teddy bear” na talaga namang umantig sa puso ng maraming tao!



Ang pagtungtong sa 18 taong gulang ng isang dalaga ay hudyat na siya ay nasa wastong gulang na. Ito ay isang napakahalagang araw para sa maraming kababaihan. At talaga namang binibigyan ng oras, at panahon upang maipagdiwang.



Karamihan ay ipinaggagayak ang kanilang mga anak sa ika-18 nilang araw ng magagarbong mga party at selebrasyon. Sa nasabing “debut party” ay may tinatawag din na 18 roses dance kung saan ang anak at ama ay magkasamang magsasayaw.


Nakadepende ito sa desisyon ng pamilya ng debutante kung ang ika-18 na rosas ay ibibigay ng kaniyang nobyo o kaya naman ay nang kaniyang ama. Kung ang kasintahan ang ika-18 rosas ng debutante ay sandaling puputulin ng kaniyang ama ang kanilang sayaw at isasayaw ng ama ang kaniyang anak. Kadalasan din namang ama ang nagiging ika-18 na rosas kung kaya mas nabibigyan sila ng pagkakataon na manamnam ang importanteng sandali na ito.


Ngunit paano na lamang kung wala na ang ama ng debutante? Maaari din namang humalili ang kapatid na lalaki, lolo o kaya naman ay ibang lalaki na naging ama na rin para sa debutante.



Ngunit para sa debutante na si Aljean Degamon Legaspino ay walang makapapantay sa kaniyang ama. Kung kaya naman siya ay nakipagsayaw sa kaniyang “ama”. Isang teddy bear o manika na mayroong larawan ng mukha ng kaniyang ama.

Habang ginaganap ang selebrasyon ng kaniyang kaarawan ay ang muling pagsasayaw nila ng kaniyang “ama”. Marami ang hindi na napigilang umiyak habang nagsasayaw ang mag-ama. Isang kaibigan ng debutante ang nagbahagi ng video na ito sa social media. Siya ay si Janine Legaspi Ebero na mayroong caption na “A heartwarming dance with HER father.” Talaga nga namang marami ang naka-relate at naantig sa karanasang ito ni Aljean matapos mawalan ng mahal sa buhay bago ang isang napakaimportanteng araw sa kaniyang buhay.