Nagulat ang babaeng ito nang malaman niya na ang mister pala niya ang nag-donate noon ng dugo at nagligtas ng kaniyang buhay!



Si Lian ay isang Taiwanese na mahilig mag-donate ng dugo dahil sa kaniyang paniniwala na ang kaniyang dugo ay maraming matutulungang nangangailangan. Lingid sa kaniyang kaalaman na isang araw ay siya pala mismo ang mag-dodonate ng dugo at makakapagligtas sa buhay ng kaniyang magiging misis.


Nagsimula ang lahat 11 taon na ang nakalilipas nang isang babaeng Taiwanese na may apelyidong Lim ang nasangkot sa isang malagim na trahedya na halos bawian na ng buhay. Sa kabutihang-palad naman ay naging mabuti na ang kaniyang kondisyon makalipas ang halos sampung bag ng dugo at dalawang bag ng platelet na naisalin sa kaniyang katawan.



Matapos naman ang pitong taon ay nagbalik si Lim sa Hsinchu isang siyudad sa hilagang bahagi ng Taiwan. Siya ay namahala ng kanilang negosyo kung saan niya nakilala ang nagtitinda ng malagkit na bigas na si Lian. Hindi man nabanggit ang naging unang pagkikita nila, talaga namang nagkasundo at naging magkasintahan ang dalawa.

Isang araw, napagkwentuhan ng dalawa ang mga karanasan nila na muntik nang bumawi ng kanilang mga buhay. Hanggang sa ninais na rin ni Lim na makilala ang taong nag-donate sa kaniya ng dugo isang dekada na ang nakakalipas dahilan upang mailigtas ang kaniyang buhay sa tiyak na kapahamakan. Tinawagan niya halos lahat ng mga ospital at donation center patungkol sa taong tumulong at nagdonate sa kaniya ng dugo ngunit lahat sila ay nagsasabing kompidensyal ang mga impormasyon ito.


Marahil dahil sa kaniyang pagsusumikap na makilala ang nagligtas ng kaniyang buhay at sa pangungulit na rin ay tinulungan na rin siya ng isang “staff”. Laking gulat na lamang niya ng sabihin nito na Lian ang apelyido ng tao na tumulong sa kaniya. At nang binanggit niya ang identification number ni Lian ay talaga namang nagulat ang “staff” at nagtanong kung paano niya ito nalaman.



Si Lian pala na kaniyang kasintahan ay nagdodonate na ng dugo noong 20 taong pa lamang siya. Matapos ang halos dalawang taon na relasyon ay napagdesiyunan na nilang magpakasal. Kung kaya naman March 2018 ay nagpakasal na sila.





error: Content is protected !!