Nanghiram ang batang ito ng isang libo sa kanilang kapit-bahay para sa may sakit na kapatid at matapos ang dalawang linggo ay nabayaran niya ito!



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang batang babae na ito dahil sa pagbabayad nito ng utang sa kaniyang kapit-bahay. Maraming mga tao ang nakapansin at pumuri sa ginawang ito ng batang babae na sa murang edad ay marunong nang magbayad ng utang niya. Dahil sa maraming mga nasa tamang edad at nasa tamang isipan na ang hindi marunong magbayad ng utang hanggang sa magkasiraan na silang magkakaibigan.


Ang batang ito ay nakilala bilang si Charry na nagtitinda ng fish cracker na nakatira malapit sa tahanan ni Bernard Cheng.



Isang araw ay nilapitan niya si Bernard at nakiusap kung maaari ba siyang makahiram ng isang libong piso para sa kapatid niyang may sakit. Hindi naman nag-atubiling tumulong ang mabait na kapit-bahay at binigyan agad siya ng kaniyang kinakailangan sa pangakong babayaran niya ito sa panahong kaya na niya. Ayon kay Bernard, ayaw niyang masanay ang bata na humiram ng humiram ng pera sa kaniya kaya nasabi niya ito sa bata ngunit wala rin naman talaga siyang singilin pa ang bata sa kaniyang hiniram na pera.

Lubos na ikinagulat at ikinamangha ng lalaki ang pagbabayad ng batang babae ng pera na kaniyang hiniram noon. Hindi niya akalain na ang bata pang ito ang magbabayad ng utang samantalang napakaraming mga tao ngayon ang tila nagkakaroon ng sakit na kalimot sa tuwing darating na ang panahon ng kanilang pagbabayad utang.

Talaga nga namang may “palabra de honor” ang batang ito. Kung kaya naman binigay ni Bernard ang halagang 500 kay Charry bilang pabuya sa kahanga-hangang ugali nito at pagpahalaga sa sinasabing “palabra de honor”. Ang natitirang 500 naman ay itinabi ni Bernard para kay Charry kung mangangailangan man siya sa mga susunod na araw. Kung hindi naman ay ilalagay na lamang niya ito sa isang “Ang Pao” at ireregalo kay Charry sa Pasko.






error: Content is protected !!