Tayo ay mabighani sa kagandahan ng anak ni Jeric Raval

“Kung ano ang puno siya ring bunga”. Ito ang kasabihan na nasasalamin sa mga magulang ang itsura ng kanilang mga anak. Kaya marami din sa mga anak ng artista ay sumasabak din sa mundo ng showbiz. Malaki kasi ang tiyansa na makukuha dahil mayroong silang gabay. Hindi maitatanggi ang pagka-artistahin ng mga anak, syempre ang magulang nila ay artista din.


Katulad na lamang ng bunsong anak ni Jeric Raval kay Monica Herrera. Ayon sa Inquirer Bandera, sinabi ni Jeric Raval sa isang press con ng pelikulang Double Barrel na kagustuhan din ng bunso niyang maging artisita at sundan ang kasikatan ng kanyang ama. Minsan pa ay napagkakamalan pa silang mag-kasintahan dahil sa taglay na kagwapuhan ni Jeric Raval kahit siya ay 42 na taong gulang na.


Ayon kay Jeric Raval:
“Kanina nga, akala girlfriend ko o asawa ko (si Janina Carly Buensuceso), bunso namin ni Monica. Sabi ko, anak ko yan. Ma-loko ako nung araw, di ba, away-bati (ng mga girlfriends). Nag-aartista na rin siya (Janina), contract star na siya ng Viva.”


Siya si Janina Carly Buensuceso na naguumpisa na ang kanyang pagpapamalas ng galing sa pag-aartista. Isa na rin siyang certified contract star ng Viva Artist Agency. Kung pagmamasdan ang kanyang kagandahan, kahawig siya ng kanyang ina. Sa isang panayam din ni Jeric Raval ay sinabi niyang siya ay may walong anak. Tatlo sa mga anak niya dito ay anak niya kay Monica at ang lima naman ay sa kasalukuyang kinakasama.


Ayon kay Jeric Raval:
“Yung tatlo, sa iba (kay Monica), at matagal na kaming wala nun. Pumasok ako sa showbiz, may asawa na ako, pero at that time, wala pa kaming anak, at naka-apat kami at ang bunso namin eight years old, pero humabol lang yun,”


Naguumpisa na magpamalas ng angking talento si Janina. Bilang isang kapuso ay nakita na siya sa mga palabas na The Good Son at Ang Probinsyano. Bukod pa dito ay may mga angking talento din ang dalaga. Sa katunayan ay magaling siyang kumanta at narunong tumugtog ng instrumento. Hindi na kataka-taka kung balang araw ay sumikat si Janina. Sa angking kagandahan na namana sa magulang maaaring balang araw ay mas makilala pa siya.



Reply

error: Content is protected !!