Ibinahagi ni Angel Locsin ang kaniyang naging simula sa industriya ng show business



Si Angel Locsin ay kilala rin bilang Angel Locsin Colmenares. Siya ay 33-taong gulang mula sa Sta. Maria Bulacan. Siya ay isang sikat na aktres, modelo, producer, at fashion designer. Siya ay hinangaan sa kaniyang husay at galing sa pag-arte. Marami din ang napamahal sa kaniya dahil sa kaniyang kwelang personalidad at maamong mukha.



Ngunit paano nga ba nagsimula ang isang Angel Locsin sa industriya ng show business? Isa kaya siya sa mga artistang mayroong nang mga pamilya sa industriya kung kaya naman mas naging madali sa kaniya ang pagpasok dito o kaya naman ay kabilang siya sa mga taong nagbakasakaling sumabak sa showbiz at lubos na pinalad dahil sa tinatamasa niya ngayong kasikatan?


Mas nakilala ang isang Angel Locsin noong 2004 bilang si Alwina sa programang “Mulawin” ng Kapuso network at nang TV adaptation ng “Darna”.Naging Kapuso artist si Angel Locsin hanggang 2007 kung kailan siya lumipat sa kabilang network kung saan siya ay gumanap bilang si Lyka sa palabas na “Lobo”. Kasunod ng mga ito ay marami pang mga pelikula na nagpamalas ng kaniyang husay bilang isang artista. At isa din siya sa mga magagaling na artista ng kaniyang henerasyon kung saan umani rin siya ng maraming mga karangalan at tropeyo.




Minsan din niyang naibahagi sa isang programa sa ABS-CBN ang “Magandang Buhay” ang kaniyang pagsisimula sa industriya. Ayon sa aktres, namimili sila ang grocery ng kaniyang matalik na kaibigan ng ang lalaking mula sa pila ng mga tumataya sa lotto ay sinundan sila at tila hinahabol pa. Dahil sa takot ay dali dali silang tumakbo nang bigla na lamang nasira at napunit ang plastic ng kaniyang mga pinamili. Dito ay nag-abot sila ng humahabol sa kaniya at binigyan ito ng calling card.

Nais pala ng lalaki na maging isang commercial model si Angel Locsin. Dahil sa nais niyang makatulong sa pamilya sa murang edad ay agad niya itong binalikan ng tanong at sinabing, “Magkano po ang bayad?” sabay tawa niya. Talaga nga namang wala siyang ibang susuungin para lamang matulungan ang kaniyang mahal na pamilya.

Isa siyang inspirasyon sa maraming mga Pilipino. Ang kaniyang pagsusumikap, pagtitiyaga at pagmamahal sa pamilya ay talaga nga namang kahanga-hanga.




error: Content is protected !!