Naaalala nyo pa ba si Shan Cai mula sa palabas na Meteor Garden? Ito na pa ang buhay niya ngayon!

Bago pa man kiligin ang sambayanang Pilipino sa mga Korean drama na yan, tiyak na hindi malilimutan ng nakararami ang kilig na dala ng Meteor Garden fever ng Taiwan. Ito ay umere taong 2003 at ilang ulit pang naipalabas dahil sa pagnanais ng maraming manunuod. Talaga namang naging matagumpay ang programang ito na pinagbibidahan ng mga F4 na sina Jerry Yan, Vic Zhou, Vanness Wu, Ken Chu at si Barbie Hsu.


15 taon ang lumipas at tila hindi pa rin nakakaraos ang Pinas sa dulot na Meteor Garden fever ng palabas na ito. Sa paglipas ng maraming taon ay talaga namang ikinamangha pa nila ang maraming mga programang muling nagpapalabas nito.


Minsan ka na bang nagtaka at nagtanong kung nasaan na kaya at kamusta na kaya ang dating mga tinitilian at hinahangaan ng maraming mga tao. Ngunit alam nyo ba kung ano na anh itsura ni Shan Cai ngayon? Ang naging dahilan ng pagkakagulo at pag-aaway ng naggugwapuhang mga F4 ay walang iba kundi si Barbie Hsu sa totoong buhay.


Sa katunayan, nagkaroon talaga sila ng relasyon ni Vic Zhou makalipas na ipalabas ang kanilang programa. Ngunit sa hindi sinabing dahilan ay nagkahiwalay din sila makalipas ang tatlong taon. Sa ngayon ay patuloy pa ding umaarte si Barbie Hsu. Kasalukuyan siyang miyembro ng girl group na S.O.S. Siya ngayon ay kasal na rin sa kaniyang asawang si Wang Xiaofei na isang Chinese restauratuer. Walang taon na silang kasal ngayon at nabiyayaan sila ng dalawang mga supling. Dapat sana’y magkakaroon na sila ng ikatlong anak ngunit kinailangan itong itigil na dahil sa walang tibok ng puso ang kaniyang ipinagbubuntis.

Nawalan man ay nagsumikap pa rin ng 40-taong gulang na aktres na manatiling positibo sa kanilang buhay. At talaga nga namang makikita sa kaniyang mga larawan ang walang kupas niyang kagandahan!


Reply