Premature baby na inalagaan dati ng isang nurse, kasama na niya ngayon nagtatrabaho sa isang ospital



Ang pagiging dedikado sa isang propesyon ay isang simbolo ng pagiging masaya sa trabaho. Kapag nagtatrabaho ka ng masaya, ibig sabihin ay gusto mo ang ginagawa mo at hindi ka mabilis mag-sawa. Pero kung negatibo ang pag-iisip mo sa iyong ginagawang trabaho marahil ay susukuan mo ito. Nakaka-tuwa ding isipin na marami din ang tumatagal sa mga kinuhang propesyon. Karaniwan ay makikita ito sa mga guro ng paaralan. Minsan ang dati mong guro sa paaralan ay magiging katrabaho mo na rin dahil piniling propesyon ay pagiging guro.


Ang oras ay hindi napipigilan at nagbabago ang lahat. Pero kung magiging masaya ka palagi sa iyong trabaho, magiging matatag ka sa iyong propesyon. At ang pagiging positibo sa trabaho ay nakakapag-dulot ng kabutihan sa ibang tao. Katulad na lamang ng pangyayari kung saan ay nagkasama ang dating premature na sanggol at ang kanyang nurse. Isang premature baby ang inalagaan, noong 28 na taon na naka-lipas, ng isang nurse na nagngangalang Vilma Wong. Ang sanggol na ito ay inalagaan sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) pero ang nakaka-tuwa ay ang dating premature baby ay isa ng ganap na pediatric doctor ngayon. Sila ay magkasama sa isang ospital bilang isang nurse at doktor. Ang pangalan ng doctor at dating premature baby ay si Dr. Seminatore.




Ayon kay Dr. Seminatore:
“Meeting Vilma was so surreal. I never thought I would meet a provider who cared for me when I was a baby,”

Nakakatuwang isipin na ang dating inalagaan na sanggol ay magiging katrabaho mo. Siyempre, naging dahilan ang Nurse upang maging maayos ang kalagayan ng dating premature baby. Marahil, kaya pinili ni Dr. Seminatore ang propesyon na ito upang makatulong sa mga batang may sakit o baby na nangangailangan ng tulong dahil dati siya rin ay tinulungan at kasama na doon si Nurse Vilma.







error: Content is protected !!