Sila ang mga aso na nagdadasal muna bago kumain



Kung tatanungin kayo kung ano ang pinaka-paborito niyong hayop, marahil ay iba-iba ang magiging sagot nating lahat. Pero karamihan dito ay sasabihin ay aso. Ang mga aso ay tinaguriang “Man’s best friend” dahil sa kanilang pagiging malapit sa tao, sa pagiging tapat, at sa pagiging mapagmahal. Maraming tao ang nahihilig sa pag-aalaga ng aso. Ang ilan pa ay todo ang asikaso sa mga alaga at ibinibigay lahat na tila ba parang miyembro na rin ng pamilya.


Marami na ring mga palabas na patungkol sa mga aso. Ilan dito ay ang Beethoven, 101 Dalmatians, Hachiko, Lassie, Benjie, at marami pang iba. Sa mga palabas na ito ay ipinapakita ang mga magagandang katangian ng mga aso. Hindi rin biro ang pag-aalaga ng aso, nasabi na rin kanina parang isa na sa miyembro ng pamilya ang pag-aalaga nito. Ang pag-aalaga din ng mga iba’t ibang breed ay nangangailangan ng kaalaman upang lumaki ng maayos ang alaga.




Pero kung papipiliin ka, anong breed ng aso ang gusto mo? Gusto mo ba ung mabuhok o gusto mo ay iyong marunong sumunod sa utos mo? Baka naman gusto mo rin ng asong marunong magdasal bago kumain? Isang video ang nag-viral dahil sa pinamalas na galing ng mga aso. Dahil ang mga asong ito ay disiplinado at marunong magdasal bago kumain.


Sa pangalan sa facebook na Lito Saguisag, ibinahagi niya ang nakaka-bilib na ugali ng mga aso. Dahil ang mga asong ito ay nagdarasal muna kasama ang kanilang amo bago kumain. Ang mga aso sa video ay mga Belgian Malinois. Ang mga asong ito ay nagsusukat na hanggang medium hanggang large na breed ng aso. Ang pangalang ‘Malinois’ ay galing sa salitang Malines na isang French na pangalan para sa pinagmulang lugar na Mechelen. Ang mga asong ito ay alerto, masipag, palakaibigan, mapagmasid, at maprotekta.



Sa video ay mapapansin na itinataas muna ng nagpapakain ang kanyang hintuturo bilang sinyales na huwag munang kumain. Pagkatapos niyang mai-lagay lahat ng mga pagkain sa apat na aso, siya ay nagdasal at nagpasalamat. Ayon pa sa ilang sinabi, na sana ay hindi magkasakit ang mga aso upang hindi mahirapan ang amo. Lubos na ikinatuwa ng maraming naka-kita ng video at umabot ng 42K reactions, 39K shares, at 2M Views.


Uy magpray naman tayo bago kumain, sila nga o nag pray..

Posted by Lito Saguisag on Monday, January 21, 2019




error: Content is protected !!