Ang pagbibigay oportunidad ng Bansang Japan para sa 345,000 na dayuhang manggagawa



Marami sa atin ang nangangarap umasenso sa buhay. Kaya nagiisip tayo ng magandang paraan upang makamit ang nais na pangarap. Isa sa mga naiisip na tiyansa ay ang pakikipag-sapalaran sa ibang bansa. Dahil mataas na pa-sweldo at magandang oportunidad marami ang ginugustong magtrabaho sa ibang bansa. Pero hindi biro ang pagiging isang Overseas Filipino Worker (OFW), marami kang pagdadaanang mga pagsubok bago makaalis ng bansa.



Isa sa mga pinapangarap nating puntahan na bansa ay ang bansang Japan. Dahil ang bansa na ito ay nagtataglay ng magagandang lugar at masasarap na pagkain. At isa rin ang bansang ito sa mga maunlad ang teknolohiya. Kaya maganda ang magiging kinabukasan mo kung dito ka magtatrabaho. Kaya mabuting balita sa ilang mga pinoy na nagbabalak magtrabaho sa Japan. Kamakailan lamang ay nagkausap ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at mga Opisyales ng Japan patungkol sa tinatawag na “specified skilled worker visa”.

Sa kasalukuyan ay ang mga nagtatrabaho nating mga kababayan sa Japan ay nasa isang programa na tinatawag na Technical Internship Training Program (TITP) kung saan ang mga manggagawa ay mga ‘trainees’ at maari lang magtrabaho sa Japan ng limang taon lamang at hindi na pwedeng magrenew. Dahil ang layunin ng programang ito ay makaturo ng kakayahan na makatulong sa sariling bansa.



Sa bagong programa na ipapatupad ng Japan, hindi na trainees ang mga itatawag sa kanila kundi talagang mga manggagawa na ng bansa at may pagkakataon na mag renew at mag extend ng kanilang kontrata. At kung papalarin pa ay maaring maisama mo ang iyong pamilya sa Japan.


Kaya sa mga may kagustuhang sumubok ng kapalaran sa bansang ito, ito ang mga kinakailangan nila:



    • Care workers
    • Food service industry
    • Construction
    • Agriculture
    • Manufacture of food and beverages
    • Accommodation industry
    • Building cleaning management
    • Machine parts and tooling
    • Industrial machinery
    • Fishery and aquaculture
    • Electric, electronics and information
    • Aviation industry
    • Automobile repair and maintenance
    • Shipbuilding and ship machinery

Sa ngayon ay inaabangan pa ang lubos na pagsasatupad ng programang ito. Pero lubos na nagtitiwala ang administrador ng POEA na si Bernard Olalia na mapapatupad ito sa Abril ngayong taon. Para maging handa, dalawang exam ang dapat ipasa. Kailangan ding maging marunong sa pananalita ng bansang ito.

Ibinahagi pa ni Olalia ito:
“Dalawang requirements ang dapat ipasa: language proficiency exam at skills test… Mas strict ito compared to TITP,”




error: Content is protected !!