Categories: Viral

Isang lalaki ang nakapulot ng pera sa kalsada at ginamit niya ito upang maibili ng pagkain ang mga taong nangangailangan!

Ang lalaking ito ay nakapulot ng pera sa kalsada. Ngunit nang hindi niya malaman kung kanino ito isasauli at tila wala din namang taong naghahanap ng nawawalang salapi, ipinambili na lamang niya ito ng ilang pagkain para sa mga taong walang tahanan. Nakakamangha hindi ba?


Nang makakita si Marvin Tan Juan Pigalan ng 500 piso habang naglalakad agad niyang hinanap ang taong nagmamay-ari nito. Ngunit dahil sa tila wala namang naghahanap nito at naisip din niyang mahihirapan siyang mahanap ang may-ari ng isang bagay na wala namang pangalan o di kaya ay pagkakakilanlan ng nagmamay-ari, nakaisip siya ng isang paraan kung saan magagamit niya ang nasabing pera sa magandang paraan.


At ito nga ay kaniyang ginamit upang makapamili ng ilang instant noodles, mga lata ng sardinas at ilang tinapay. Ayon pa sa kaniyang post na ibinahagi niya sa social media ay ipinababatid niya sa may-ari ng 500 piso na naiwala man niya ang kaniyang pera ay nagamit naman ito upang makatulong siya sa ilang mga tao na walang tahanan at talaga namang nangangailangan.


Nagbahagi din siya ng mga larawan ng nasabing mga pagkain at mga taong nangangailangan na nakatanggap nito. Dahil sa maayos na nakaplastik ang mga pagkain madali na niya itong naipamigay sa paglabas pa lamang niya ng pamilihan ay mayroon nang nakatanggap ng biyayang ito.


Bagamat marami ang nagsasabing hindi niya dapat na ginastos ang pera na iyon, marami pa rin ang nagalak at natuwa sa kaniyang ginawang pagmamalasakit sa mga taong nangangailangan ng tulong maliit man yan o malaki. Tunay ngang mayroon pa ring mga tao nagnanais tumulong sa mga kapos-palad. Nawa ay maging inspirasyon ito sa marami at mas makatulong pa sa maraming nangangailangan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago