Kilalanin ang anak na babae ni Willie Revillame na ngayon ay isa nang magandang dalaga!



Si Willie Revillame o kilala din bilang si Wilfredo Buendia Revillame na ipinanganak noong 1961. Siya ay isang host, mang-aawit, manunulat ng kanta, negosyante, aktor at komedyante. Marso 2005 nang siya ay ikinasal kay Liz Almoro sa isang civil ceremony. At matapos nito ay ang kasal nila sa simbahan ng Hunyo rin ng kaparehong taon. Ngunit napawalang bisa rin nila ito taong 2008. Matapos naman nito ay ikinasal siya sa aktres na si Princess Punzalan.




Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na si Kuya Wil ay certified chick-magnet noon na talaga namang nakakapukaw ng atensyon ng maraming kababaihan agad agad. Ngunit sa kabila nang mga babaeng dumaan sa kaniyang buhay, hindi naman maitatangging inuuna niya ang kaniyang mga anak higit sa lahat.


Bukod sa anak ng 57-taong gulang na beteranong aktor kay Princess Punzalan na si Meryll Soriano na kilala ding mahusay na aktres ay mayroon pa pala siyang isang anak na babae sa nagngangalang Sharon Viduya na ngayon ay isa nang ganap na dalaga.


Marimonte Shanelle Viduya-Revillame ang kaniyang pangalan. Naging usap-usapan siya sa social media dahil sa kaniyang mga larawan kasama ang kapatid na si Meryll at ama nitong si Willie. Sa nasabing mga larawan, kitang-kita naman ang pagiging malapit ni Merylle at Marimonte Shanelle sa isa’t-isa. Kahit pa magkaiba ang kanilang mga magulang ay hindi mababakas ang anumang alitan o away sa kanila. Kahit nga ang mga kapatid ni Shanelle ay nakakasama rin minsan ni Merylle lalo na kung nagkakaroon siya ng pagkakataon.



Bukod sa larawan nilang magkapatid, marami ding larawan ang dalaga kasama ang kaniyang ama. Sa mga larawan ay mababakas ang hilig nila sa mga bakasyon at pamamasyal. Napansin din ng publiko ang mala-artistang mukha ni Shanelle na talaga namang may lugar sa industriya. Suportado kaya ng kaniyang ama kung sakaling naisin niya na sumabak sa showbiz.






error: Content is protected !!