Sa pustahang nagkaka-halagang 3,200 dolyar ay sobrang napahaba niya ang kanyang kuko

Minsan ay nagiging batayan ang pagtingin sa mga kuko sa kalinisan ng isang tao. Kaya naka-gawian na ng marami ang maglinis o mag-gupit ng kuko. Kapag humaba ang mga kuko, maaaring masingitan ito ng mga dumi sa loob. Kaya kung papasok ang dumi sa kuko, kapag ikaw ay kumain maaaring makapasok ang mikrobyo sa katawan o kaya naman sa pangangati ay gamitin pang kamot at maging sanhi ng iritasyon sa balat.


Pero naisip niyo ba kung hindi nag-gugupit ng kuko ang tao? Ano kaya ang itsura nito? May isang babae na hindi nag-gupit ng kuko sa loob ng apat na taon. Nagulat ka ba? Ito ang dahilan kung bakit niya ginawa ito. Siya si Elena Shilenkova na may edad na 34 na nakatira sa St. Petersburg sa Russia. Hilig ni Elena ang magpahaba ng kuko. Kaya dahil sa isang pustahan ng kaibigan sa hamon na pahabain ang kuko sa 5cm, tinanggap niya ang hamon ng kaibigan. Sino ba ang hindi papayag sa hamon, kapag nagawa niya ito mayroon siyang 3,200 Dollars o 167,313.08 Pesos.


Sa kagustuhang manalo sa pustahan, maraming sinakripisyo at ginawa si Elena. Kailangan niyang alagaan mabuti ang mga kuko. Kinakailangan niya ding uminom ng mga vitamins upang maging matibay ang mga kukong tutubo. Ang mahirap pa ay hindi na niya nagagawa ang ibang hilig niya katulad ng tennis at paglangoy sa dagat. Ito ay dahil sa pag-iingat niya sa kanyang pagpapahaba ng kuko..


Pero ang nakaka-bilib ay hindi na niya kailangan antayin ang apat na taon upang mapaabot ng 5cm ang kanyang kuko. Sa loob lamang ng isang taon ay lumampas pa ng 5cm ang kanyang mga kuko.


Dahil nanalo siya sa pustahan, ang natanggap na pera ay pinambayad niya sa kanyang kotse. Pero hindi pa rin niya ito pinutol kahit nanalo na siya sa pustahan. Pinatuloy pa rin niya ang pagpapahaba ng kuko. At sinubok na paabutin ng apat na taon. Kahit na mahirap kumilos at kumain, sobrang napahaba niya ang kanyang mga kuko. Siya ay nakilala sa bansa nila sa pagkakaroon ng pinaka-mahabang kuko sa bansa sa Russian Book of Records 2018 sa pagkakaroon ng 12cm na haba ng kuko. Saan ka pa?


Mukhang walang balak magpa-putol ng kuko si Elena. Siguro ay gusto na rin niya na makilala at magka-record siya sa buong mundo na pinaka-mahabang kuko.


Reply