Isang Estudyante ang bumuo ng maliit na bahay para makatipid at hindi mag-renta



Kapag dumating na ang pagkakataon na maging isang kolehiyo, karaniwan sa nagiging problema ay ang matitirahan. Sa kagustuhang mapalapit sa Unibersidad, kinakailangan ay makahanap ng maayos na matitirahan. Ang pagsubok nga lang ay ang kamahalan nito lalong-lalo na kung kilalang-kilala ang papasukang eskwelahan. Imbis na ang iisipin lang ay pag-aaral, nagiging karagdagan pa sa isipin ang bayarin sa renta.




Isang nakaka-bilib na pangyayari ang ipinamalas ng isang estudyante. Dahil sa kagustuhang umiwas sa mahal na renta at mga nakaka-inis na mga roommates, nakagawa siya ng isang maliit na bahay. Si Joel Weber ay isang karpintero at elektrisyan. Gamit ang mga talentong ito, nakagawa siya ng sarili niyang 145 square foot na bahay sa Dallas. Halagang 800 na dolyar din ang matitipid niya kung siya ay mag-rerenta malapit sa kanyang eskwelahan.


Ang maliit na bahay ay ginawa sa isang 18 foot na flatbed trailer. Mayroon itong dalawang kwarto, paliguan, at lababo. Ang bahay din ay mayroong kuryente, daluyan ng tubig, at lutuan na gamit ay propane.



Halos isang taon din ang ginugol ni Joel Weber upang mabuo ang maliit niyang bahay. Sa halagang 20,000 dollars o mahigit isang milyon din ang nagastos dito.

Ayon kay Joel Webber:
“I saved up quite a bit and what I didn’t have, family, friends, and the community around me donated materials,”


Kung mapapansin, ang itsura ng loob ay maganda at talaga namang nakaka-tuwang tirahan kahit na maliit lamang. Ang maganda pa dito ay maaring madala ang bahay kahit saang lugar niya gustuhin dahil isang trailer ito.


Dagdag pa ni Joel:
“145 square feet might not be for everybody, and that’s okay. It’s more about how I can live simple and still be grateful,”




Ang kagandahan ng kanyang bahay ay itininawag niyang “organic contemporary” dahil ang mga kahoy at mga bakal ay ipinagsama niya.
May pagka-moderno din ang itsura ng kanyang higaan at para sa isang tao lamang talaga ang mga kagamitan.


Ang kanyang munting bahay ay dadalhin niya sa Austin sa kanyang pagaaral sa kolehiyo. Kaya kapag siya ay nag-aaral na sa kolehiyo, ang tanging iisipin niya lamang ang mag-aral at hindi problemahin ang bayad sa renta.




error: Content is protected !!