Ito ang Throwback na Litrato ni Coney Reyes



Minsan ay nagbabalik-tanaw tayo sa mga pangyayari sa ating buhay. Minsan ay bigla tayong napapangiti dahil sadyang malaki ang ipinagbago ng sarili kumpara noong dati. Karaniwan sa nagpapa-alala sa atin ng lumipas ay mga litratong naitabi. Sa isang litrato ng nakaraan, marami ka ng kwentong pwedeng masabi patungkol sa mga kaganapan ng iyong buhay.


Dahil sa pagkahilig na rin ng mga tao sa pagkuha ng mga litrato, nagkakaroon na ng pagkakataon na ipunin ang mga alaala upang hindi makalimutan. Sa pamamagitan ng mga litrato ng nakalipas, naibabahagi ng iba ang kanilang magandang alaala.




Usong-uso ngayon ang throwback sa Social Media. Lalong-lalo na kapag mga sikat na artista ang nagpakita ng kanilang throwback. Sa paraang ito ay naipapakita nila ang kanilang itsura dati. Nagkakaroon din ng pagkukumpara sa itsura noon at ng kasalukuyan.


Isang sikat na artista ang nagbahagi ng kanyang throwback na litrato, aakalain mong hindi siya ito dahil may kahawig pa siya na ibang artista. Sa larawan ay ipinamalas niya ang kanyang kabataang kagandahan. Ang babae sa litrato ay si Coney Reyes sa kanyang graduation noong 1970. Ito ang kanyang itsura limang taon bago siya makilala sa telebisyon at makilala sa Student Canteen.



Si Constancia Angeline Reyes-Nubla na mas kilala sa Coney Reyes ay ipinanganak noong ika-27 ng Mayo taong 1954. Isa siyang batikang aktres na nanalo na ng maraming awards. Isa rin siyang TV Host at producer. Isa rin siya sa mga nagsimula ng mga palabas sa telebisyon na Student Canteen at Eat Bulaga. Pero ang kinasikatan talaga niyang palabas sa telebisyon ay ang Coney Reyes on Camera. Sa throwback na litrato ni Coney Reyes mapapansin ang kahawig nito sa isang artista rin na si Mikee Cojuanco-Jaworski. Marami rin ang nagkomento ng magaganda patungkol sa post.

Ito ang ilan sa mga sinabi ng mga tao patungkol kay Coney Reyes:


“We were batchmates and took the same course at Maryknoll College (now Miriam College). She was our batch president!” ayon kay VR .

“Met her up close. She was a down to earth person. Very nice, too, always accommodating,” ayon naman kay NJ.






error: Content is protected !!