Kilalanin natin ang napakagandang asawa ng bokalista ng Kamikazee na si Jay Contreras!



Hindi ka Pilipinong tunay kung hindi mo kilala ang bandang Kamikazee. Kamikazee lang naman ang isa sa pinakasikat at pinakamaningning na banda ng musikang Pilipino at ang kanilang nga kanta ay talaga namang swak na swak sa maraming mga Pilipino anuman ang kanilang edad. Ngunit makalipas ang labing-limang taon, ibinahagi nila ang kanilang “disbandment” noong taong 2015 na talaga namang nagpalungkot sa marami nilang mga taga-hanga.


Sa kabilang banda naman ay ikinagalak at ikinasaya ito ng pamilya nila dahil sa magkakaroon na sila ng mas maraming oras para sa kanilang mga mahal sa buhay. Mas mayroon na silang panahon upang punan ang mga oras na nakain ng pagiging abala nila sa pagbabanda sa lumipas na mga taon.




Ayon naman sa kanilang panayam sa ABS-CBN, ibinahagi nilang marami din silang plano para sa kanilang kinabukasan, ang ilan ay magtatayo at susubok na magnegosyo, at ang ilan ay maglalaan ng panahon para sa kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.


Lingid sa kaalaman ng marami na ang bokalista nila na si Jay Contreras ay mayroong napakagandang misis! Siya ay nagngangalang Sarah. Sa ibinahaging larawan ni Jay sa kaniyang social media account, buong pagmamalaki at pagmamahal nitong ibinahagi na ang misis pa rin niya ang pinakamagandang tanawin para sa kaniya. At talaga namang nagpakilig ito ng maraming mga tao.



At dahil dito ay hindi na napigilan ng madla na pagmasdan at pag-usapan ang kagandahan ng kaniyang misis. Tila nahahawig nga din daw siya kay Dakota Johnson, lead actress ng “Fifty Shade’s of Grey”. Kitang-kita at kapansin-pansin naman ang nakakatuwang mga larawan ng mag-asawa at kanilang dalawang mga anak sa kanilang mga social media account.


Si Sarah ay talaga namang hinangaan hindi lamang sa angkin niyang kagandahan o panlabas na anyo kundi maging sa kaniyang mga tattoo sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan. Talaga nga namang nakakamangha ang mga tattoo niyang ito! Siya din pala ang nakababatang kapatid ng aktres na si Kaye Abad na misis ni Paul Jake Castillo.