Isang dayuhang travel blogger ipinaliwanag kung bakit Pilipino ang tinagurian niyang “Best People in the World”



Pilipino nga kaya ang pinakamahusay na tao sa buong mundo? Tiyak na sasang-ayunan ito ng maraming mga Pilipino kahit pa isang dayuhan ang nagsabi nito. At halos karamihan ng maraming mga dayuhan na nagpunta na sa ating bansa ay ganoon din ang sinasabi.


Ang travel blogger na ito ay nakilala bilang si Tom Kuegler na nakarating na sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Sa lahat ng kaniyang mga biyahe, marami siyang nakakasalamuhang mga tao at mga kulturang natututunan din sa mga ito. Ngunit katulad din naman ng maraming mga dayuhan na nagpupunta sa ating bansa, hindi maipagkakailang napaibig at napamahal siya kaagad sa ganda ng Pilipinas at sa mga Pilipinong naninirahan dito.



Sa kaniyang ibinahagi na social media post na umabot na ng higit sa 3.6 milyon na views, ibinahagi ni Tom ang kaniyang mga dahilan kung bakit siya naniniwalang ang mga Pilipino ang pinakamahusay na tao sa buong mundo. Sinimulan niya ito sa pagbabahagi ng sinabi ng kaniyang ama patungkol sa mga Pilipino noong siya ay bata pa. At ito nga ay kaniyang nakumpirma noong siya at ang ilan sa kaniyang mga kaibigan ay nagtrabaho sa isang Pilipinong pamilya noon upang kumita ng kaunti sa ilang araw na pamamalagi nila sa bansa.



Nang matapos nila ang nasabing trabaho, laking gulat na lamang nila ng kaniyang mga kaibigan dahil sa naghanda ng isang BBQ party o salo-salo ang pamilyang ito para sa kanila nung araw ding iyon ng walang ibang rason at naging napakalaking bagay nito sa batang si Tom.


Habang siya ay tumatanda at pabalik-balik sa Pilipinas mas lalo pa niyang napapaigting ang paghanga niyang ito sa ating kultura. Sa nasabing viral video ay nagbahagi din siya ng mga bagay na gustong-gusto niya sa ating bansa. Ilan na dito ay ang mahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan kung saan umaabot ito ng apat na buwan na nagsisimula pagpatak pa lamang ng “ber months”. Gayundin naman ang pagkanta sa karaoke sa harap ng publiko o ng maraming tao, pagkakaroon ng mga salo-salo, masasarap na pagkain at marami pang iba.


Filipinos: The Best People In The World?

They will always be my favorite people in the world.MUSIC: DIZARO – UNDERWATER

Posted by Finding Tom on Thursday, October 11, 2018

Marami din namang mga Pilipino ang hindu napigilang matawa sa “fried bananas” na naging isa rin sa mga pinabalik-balikan niya dito sa Pinas.






error: Content is protected !!