Categories: Viral

Ang Anim na Uwak na naglilinis ng kalat sa isang Theme Park sa France

Ang paglilinis ng kapaligiran ay malaking tulong sa kinabukasan. Pero kahit na alam ng maraming tao ang negatibong naidudulot ng basura ay marami pa ring ibinabalewala ito. Gayon pa man, kahit na mahirap panatilihing malinis ang ating paligid, maraming tao rin ang gumagawa ng paraan upang malinis ang ating mundo.


Nakaka-aliw isipin na hindi lang pala tao ang kayang maglinis ng paligid. Mayroon din pa lang mga hayop na may kakayahan na maglinis. Katulad na lamang ng mga aral na uwak sa isang theme park sa France.


Ang mga Corvids ay isang pamilya ng mga ibon kinabibilangan ng mga Rooks, Crows, Ravens, at Magpies. Ang mga ibon na ito ay mga likas na matatalino. Kaya ng mga ibon na ito na magplano, gumamit ng mga bagay na makaka-tulong sa kanila, nakaka-gawa ng paraan, at may kakayahan ding magtanim ng sama ng loob.


Isang kilalang theme park sa France na napag-desisyonan na gumamit ng mga Corvids upang makalinis ng kapaligiran. Anim na Rooks ang naturuan upang maglinis. Ang mga pangalan nila ay Boubou, Bamboo, Bill, Black, Bricole, at Baco. Sila ay sinanay upang manguha ng kalat sa Puy du Fou Park na isang makasaysayang parke sa Les Epesses na apat na oras ang layo sa Paris.


Ang nagsanay sa mga rooks ay isang project manager sa “Academy of Falconry” ng parke na nagngangalang Christophe Gaborit. Naisipan nila ang paggamit ng mga Corvids, dahil sa falconry show nila, ginagamit nila ang mga Corvids upang kumuha ng rosas at maibigay ito sa isang prinsesa sa kastilyo. Kaya naisipinan ni Christophe na subukan ipapulot ang mga maliliit na basura o kaya naman upos ng sigarilyo upang ilagay sa isang kahon na tapunan.


Siyempre, kaya sumusunod ang mga Rooks dahil kapag naka-dala ng basura may pabuyang pagkain ang premyo nila. Minsan ay nagbibiro din ang mga ibon at imbis na basura ang dinadala mga maliliit na tangkay ang dala.


Nakaka-tuwang isipin na, kahit na may pabuya ang mga ibon sa bawat kuha nila ng basura, kayang maglinis ng hayop. Sana ay pati na rin ang tao ay maging malinis sa kapaligiran. Ang mabuhay ng malinis ang kapaligiran ay isang biyayang maituturing para sa lahat ng tao sa mundo.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago