Isang UST Graduate ang nag-suot ng Toga na gawa sa Ticket ng Bus dahil sa kanyang pag-kokomyut ng 4 na taon

Para sa mga nag-aaral sa kolehiyo, isang pagsubok din para sa kanila ang araw-araw na pag-kokomyut. Ito ay dahil sa walang humpay na trapik na nararanasan na nagiging dahilan din ng pagka-late ng maraming estudyante. Bukod pa sa pagpasok sa eskwelahan, isa ring pahirap para sa kanila ang pag-uwi dahil na rin sa trapik na nagiging dahilan ng pagkapagod nila araw-araw. Kaya naman ang ilan sa mga nag-aaral sa kolehiyo ay minamabuting mag-dorm o kaya naman ay bedspace sa malapit sa kanilang pinapasukang kolehiyo. Ang pagiging isang estudyante sa kolehiyo ay hindi biro. Kapag bumagsak ka sa isang subject ay parang nag-aksaya ka na rin ng pera at oras.

Pero isang nakaka-bilib na kwento ang ipinamalas ng isang graduate sa UST. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang malayong bahay upang makamit ang pangarap na makatapos. Sa loob ng apat na taon, pinatunayan ni Mark James Operiano Capulong na isang graduate ng Bachelor of Arts in Economics na kaya niyang mag-uwian mula sa bahay nila sa San Pablo Laguna hanggang University of Santo Tomas sa Sampaloc Manila at pauwi din ulit sa kanilang bahay. Ang nakaka-tuwa pa dito ay nagtapos siya ng may karangalan bilang Magna Cum Laude. Ang 21 na taong gulang na graduate buong ipinag-mamalaki ang ginawa niyang sakripisyo sa loob ng 4 na taon. Ito ang naging dahilan upang maisip niya na ang kanyang toga ay yari sa maraming ticket sa bus na nakolekta.

Sa kanyang post sa Facebook, ibinahagi niya ang kanyang litrato, suot ang gawa sa mga ticket na toga. Ito ang pagpapatunay ng kanyang determinasyon at pagpupursigi sa pag-aaral.

Ito ang mga sinabi ni Mark sa kanyang post:
“I’m Mark, a Thomasian, and uwian ako from the South for 4 years!! All my college life I’ve been wanting to do this, so Team South and Team Uwian mag-ingay!!!!”

“Actually, the idea was inspired from graduating students who also went for being creative with their graduation pictorials, deviating from the usual formal norm. Before, the tickets usually accumulated in my bag, but after realizing that I can do the same with the said people, but using my bus tickets since no people have done it yet, I started collecting them and hiding them for safekeeping, until the time comes that I have to create that toga gown,”

“From keeping the household in order to assisting in managing the finances, eventually I had the responsibility of leaving our home sound bago ako pumasok papunta ng UST. Aside from that is yung palaging kailangan ako ng mga kapatid ko para tulungan sila sa academic needs nila, and si mama when it comes to processing things that involves the use of technology… may tita akong nakatira lang malapit sa main na hindi na din makalakad at nasa kama lang, and since kami pinaka-malapit, naging responsibility na namin mag-attend sa needs niya,”

“Dun ko narealize na di ako pwede magdorm at basta bastang mawala sa kanila, and ang hirap iwanan ang pamilya mo pag alam mong may aberya. It’s as if para na din akong naging tatay,”

“Naranasan ko nang bumaba at tumakbo pababa ng skyway, mahulugan ng daga habang nasa bus, mahulog sa manhole habang nanghahabol ng bus, at ang hindi mabilang na beses na ako’y pumila ng pagkatagal tagal para mag-abang ng bus or matraffic at ma-stuck sa kinauupuan every time there’s heavy traffic”

“One time I had to endure traveling from Laguna to UST kahit na katatapos ko lang maoperahan because of appendicitis. I also had to go to school with crutches (saklay) dahil I had a bad fall and sprained my left ankle when I was running towards a moving bus. There was a time din na I had to rush si mama sa UST hospital dahil nung kasama ko siya sa bus papasok, she suddenly suffered extreme pains sa abdomen and chest niya which caused me to be absent on one of my classes,”

“I had classes which started as early as 7AM and ended as late as 9PM. Aggravating the situation is that I had to excel on my academics, and at the same time tend to the needs of my family, so most of the time I am deprived of sleep and I frequently skipped meals… Worse is yung ang haba haba ng binyahe mo tapos malalaman mo na lang na hindi papasok ang prof, literal na mas matagal pa inilagi mo sa bus kaysa sa mismong school.”

“No matter how heavy the obstacles and impediments are thrown at us, if we equip ourselves with a steadfast attitude of perseverance, hard work, dedication, and compassion, we’ll achieve greater accomplishments and successes our minds never even fancied. Nothing is impossible if one puts his mind and heart on the goal. Even if we go to faraway places, our hearts will perpetually seek the distinct comfort and convenience our homes provide. In our homes, we only experience a strange yet fleeting feeling of solitude, and I believe people who have the same or similar experiences would agree with me,”


Sa kabila ng hirap na dinanas niya sa apat na taong pakikipag-sapalaran sa biyahe, buong ipinagmamalaki niya ang kanyang katagumpayan. Dahil sa pagmamahal sa pamilya ito ang naging dahilan upang kayanin niya ang lahat. Ngayon ay isa na siyang ganap na English Langguage Instructor ngayon sa Madrid Spain.



Reply

error: Content is protected !!