Iba-iba ang persepsyon ng bawat tao patungkol sa kagandahan o atraksyon ng isang bagay o tao. Kung pagbabasehan ang personalidad at katangian ng isang tao, maraming nagagandahan o mas napupukaw sa mga taong pala-tawa o pala-ngiti, samantalang ang iba naman ay may malakas na loob at kompiyansa sa sarili. At tunay ngang hindi maipagkakailang ang unang nagiging pundasyon ng atraksyon ng isang tao ay ang panlabas na kaanyuan.
Ayon sa mga eksperto ng Missosology.com narito ang dalawampung mga bansa na mayroong mga naggagandahang mga kababaihan na madalas sumali sa mga beauty pageants, sila amg pinakamagagandang babae sa buong mundo.
20. NETHERLANDS
19. AUSTRIA
18. BELARUS
17. JAMAICA
16. AUSTRALIA
15. BRAZIL
14. POLAND
13. JAPAN
12. ROMANIA
11. NEPAL
10. USA
9. COLOMBIA
8. INDONESIA
7. PUERTO RICO
6. THAILAND
5. VIETNAM
4. THE REPUBLIC OF SOUTH AFRICA
3. MEXICO
2. PHILIPPINES
1. VENEZUELA
Bawat kababaihan ay may angking kagandahan, dahil sa bawat kababaihan ay kakaiba at natatangi. Maaaring hindi nakikita ng isang tao ang kagandahang ng kaniyang kapwa ngunit sa ibang tao maaaring siya ay kasing-halaga na ng buong mundo. Tulad na lamang ng kasabihang “Beauty is in the eye of the beholder!”.
At kahit pa ito ay isang pag-aaral tungkol sa mga bansang mayroong magagandang mga kababaihan hindi ito konkretong ebidensiya nang persepsyon ng angking kagandahan. Halimbawa na lamang, hindi naman lahat ay napapamahal sa mga kababaihang may katamtamang timbang o taas.
Kaakibat nito ang katotohanang mayroon pang mas mahalaga higit sa panglabas na kaanyuan. Ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa iyong kalooban. Kung paano mo itinatrato ang iyong kapwa at iyong sarili at kung ano mismo ang kagandahan ng iyong puso at kalooban. Tunay ngang ang kahulugan ng kagandahan ay patuloy at patuloy sa pagbabago.
Source:EliteReaders
Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…
Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…
Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…
Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…
"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…
Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…