Kilalanin natin si Gab Lagman na kilala ng marami sa pangalang Gio sa Teleseryeng “Halik”



Ang Halik ay isang teleseryeng pinag-bibidahan nila Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby, at Yam Concepcion. Ang teleseryeng ito ay mapapanuod sa ABS-CBN. Ito ay unang ipinalabas noong Agosto 13, 2018 at sinusubaybayan na ng maraming mga kapuso.


Ang istorya ng Halik ay tungkol sa likhang kwento ng mga mag-asawa na natutukso, nagtataksil, at di nakukuntento. Ang mga pangalan ng mga karakter dito ay sila Jade (Yam) at Ace (Sam) at sa mga asawa nila na sila Jacky (Yen) at Lino (Jericho). Marami ang sumusubaybay dito dahil na din sa mga kagalingan sa pag-arte ng mga sikat na artista.



Sa teleserye, may isang karakter dito ang sinusubaybayan din ng maraming kababaihan. Ang karakter na ito ay ang kapatid ni Ace na si Gio. Ang totoong pangalan niya ay si Gab Lagman na hinahangaan ngayon ng maraming kababaihan. Si Gabriel “Gab” Lagman ay ipinanganak noong Nobyembre 22, 1995. Si Gab Lagman ay isang dating nurse sa Amerika. Bukod sa pagiging isang nurse isa rin siyang magaling na basketbolista.



Dahil na rin sa gwapong itsura at ganda ng pangangatawan, talagang may mag-aalok sa kanya ng oportunidad upang maging isang artista. Kaya naman ng may pagkakataon na makapasok sa showbiz talagang ginamit na niya ang pagkakataon.



Isang modelo at artista si Gab Lagman. Ilan sa mga napabilangan niya na teleserye pa ay ang La Luna Sangre na isa siyang bampirang taga-pag lingkod sa Supremo, Ipaglaban Mo!, at ngayon ay si Gio sa teleseryeng Halik. Napasama din si Gio sa Wattpad Presents at Wild Flower. Dahil na din sa kagwapuhan, marami na ring mga commercial at advertisement si Gab. Kaya naman pala maraming nanunuod na babae ng Halik dahil sa taglay na itsura ni Gab Lagman. Pati na rin sa Social Media niya ay sinusubaybayan na siya ng maraming taga-hanga.




error: Content is protected !!