Isang Ama ang sumakay ng 6 na beses sa eroplano upang makasama ang kanyang flight attendant na anak sa pasko



Ang mawalay sa mga mahal sa buhay upang makapag-trabaho sa ibang lugar ay sadyang mahirap. Kaakibat nito ang pagka-lumbay at pagnanais na makasama muli ang mahal sa buhay at mga minamahal. Pero para sa mga ibang tao na pinili na mapalayo upang kumita at matupad ang pangarap, kinakailangan nilang mag-sakripisyo at tiisin ang pagka-miss nila sa kanilang mga minamahal. Karaniwan sa mga nakakaranas nito ay mga OFWs, mga nagbabarko, at mga nagtatrabaho sa mga eroplano.


Mahirap na pakiramdam ito sa mga taong umaalis pero mahirap din ito para sa mga magulang. Lalong-lalo na kung sasapit ang kapaskuhan. Ang pagsapit ng pasko ay ang panahon kung saan ay nagkakasama ang buong pamilya. Pero para sa mga taong may trabaho sa ibang lugar, tanging pagbati na lamang ang nagagawa nila para sa kanilang pamilya.




Kaya naman nakaka-tuwang isipin na mayroon isang ama na gumawa ng paraan upang makasama niya ang kanyang anak na Flight Attendant. Sa kagustuhang makasama ang anak, nag-book siya ng 6 na flight kung saan ay makakasama niya sa eroplano ang kanyang babaeng anak.


Si Hal Vaughan ang ama na tinutukoy upang makasama ang kanyang flight attendant na anak na si Pierce Vaughan. Para sa mga katulad niya na ganito ang trabaho, sila ay nagpapasko na hindi kasama ang kanilang mahal sa buhay. Pero isang maswerteng anak si Pierce Vaughan dahil ang ama na niya mismo ang gumawa ng paraan upang makasama siya sa pagdating ng pasko. Si Pierce Vaughan ay isang flight attendant ng Delta Airlines sa Amerika. Ang pangyayaring ito ay nalaman ng maraming tao dahil kay Mike Levy na nakatabi si Hal Vaughan sa biyaheng mula Fort Myers papuntang Detroit. Ibinahagi ng lalaking ito sa social media ang nakaka-tuwang pangyayari nasaksihan niya.



Ayon kay Mike Levy na sinabi sa Bored Panda:

“I was extremely surprised to see the post go as viral as it has. I’m very happy to share such a heartwarming story.”


Idinagdag pa niya:
“Hal was in an accident earlier in the year. He broke his neck and was quadriplegic for a while. He slowly began to recover and this was the first trip he had taken since his recovery. He still moves a bit slower, but stronger everyday from what he told me.”

Ang post niya ay nakita ng maraming tao at nagkaroon na ng 28,000 na shares. Ang mga litrato na ipinakita niya ay Iyong katabi niya si Hal at litrato din ng anak na si Pierce.



Source:BoredPanda




error: Content is protected !!