Isang lalaking walang braso ang gumawa ng sarili niyang prosthetic na robitic arm gamit lamang ang mga lego bricks!



Maraming pagsubok ang buhay na araw-araw at patuloy nating kinahaharap sa bawat pagbuka ng liwayway. Mga pagsubok, problema o hamon sa buhay na talaga namang nakakapanghina ng ating kalooban at kadalasang nakakabawas ng tiwala sa ating mga sarili.



Ngunit hindi dapat nating limutin at balewalain, na maraming mga tao ang patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay at patuloy na nagsisikap upang makapamuhay ng maayos sa kabila ng mga trahedya o problemang kanilang kinakaharap.


Isa ma marahil dito ang kwento ng 19 na taong gulang na si David Aguilar na bagamat ipinanganak siyang walang kanang braso dahil sa isang rare genetic condition ay nakagawa ng isang prosthetic robotic arm mula lamang sa mga Lego bricks!


Ayon sa ulat ng ABS-CBN ay ika-apat na modelo na ng makulay na prosthetic arm ang gamit ni David. Siya ay isang mag-aaral sa Universitat International de Catalunya sa Espanya. Ayon pa rito, pangarap ni David ang makalikha at makapagdesenyo ng isang robotic limb na mura at abot-kaya ang halaga. Kung dati ay ginagawa lamang niyang laro o libangan ang mga lego bricks, ngayon ay ito na ang kaniyang pangunahing material sa ginawa niyang robotic arm noong siya ay siyam na taong gulang pa lamang! Matapos niyang makagawa nito ay nagpatuloy pa rin sya sa pagtuklas at bawat bagong imbensyon o modelo ng prosthetic arm ang kaniyang nagawa ay mas mayroong pagbabago at karagdagang galaw ang nagagawa ng kaniyang mga robotic arm. Dagdag pa niya na noon ay talaga namang hiyang-hiya siya sa kaniyang mga kamag-aral dahil sa kaniyang panglabas na kaanyuan ngunit hindi ito naging hadlang upang mapagtagumpayan ang kaniyang mga pagsubok sa buhay.






error: Content is protected !!