Ito ay mga litrato ng kunwaring kasal upang mapagbigyan ang kahilingan ng kanyang may sakit na Lolo



Maraming magulang ang nangangarap na lumakad papuntang altar kasama ang anak sa kanilang kasal. Ito ay isang hiling ng maraming mga magulang dahil dito din nila mararamdaman na naging maayos ang pagpapalaki nila sa kanilang mga anak. May mga ilang kwento na rin tayong narinig patungkol sa mga may sakit na magulang pero nagawan pa ng paraan upang makapag-prosesyon papuntang altar.




Pero mayroon isang kakaibang pangyayari ang naganap patungkol sa ganitong pangarap. Paano kung may sakit at malapit na ang magulang mawala sa mundo pero wala pa sa isip mo ang mag-asawa o kaya naman ay hindi mo pa nakikilala ang mapapangasawa? Ano ang gagawin mo? Paano kung kahilingan niya ay makasama ka sa paglalakad papuntang altar? Paano mo siya mapagbibigyan?



Isang magandang dalaga ang nakaka-tuwang nagbigay ng magandang alaala para sa kanyang mahal na Lolo. Si Fu Xuewei ay isang 25 na taong gulang at isang entrepeneur. Siya ay taga Chengdu, China at ang mga litrato ng kasal ay napaguusapan ng maraming tao sa social media. Ibinahagi niya ang ilang mga litrato ng kasal pero walang groom. Walang Groom? Oo wala! Ito ay isang paraan lamang ni Fu Xuewei upang mapagbigyan ang kanyang 87 na taong gulang na Lolo bago mahuli ang lahat.



Ang dalagang ito ay lumaki sa piling ng kanyang lolo at lola noong sampung taon gulang pa lamang siya ng naghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang Lolo siya ay may Tattoo sa kanyang braso upang makita ng kanyang kaibigan at magiging asawa at anak ang itsura ng kanyang mahal na Lolo.


Dahil hindi pa magpapakasal si Fu Xuewei, minabuti na niyang mag-karoon ng Wedding Photoshoot. Sinabi kasi ng mga doktor na baka hindi na rin magtagal ang kanyang Lolo. Gumasta siya ng 3,000 yuan upang matupad ang kahilingan ng kanyang Lolo na mailakad siya sa Altar.



Source:BoredPanda




error: Content is protected !!