Pinag-usapan ng marami ang black rhino wheel ng aktor at direktor na si Coco Martin!



Si Coco Martin o kilala rin bilang si Rodel Luis Pacheco Nacianceno. Siya ay 37-taong gulang na aktor, prodyuser, direktor, host at modelo. Siya ay lumaki sa Novaliches, Quezon City at isang kilalang deboto ng Itim na Nazareno. Bata lamang siya ay namulat na siya sa debosyon ng kaniyang lola sa Itim na Nazareno sa paghingi nito ng patnubay at gabay sa sa Poon.


Nakapagtapos din naman siya ng kursong Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management sa National College of Business and Arts sa Fairview, Quezon City. Naging isang Overseas Filipino Worker (OFW) din siya bilang isang janitor sa Alberta, Canada. Kilala siya bilang Prinsipe ng Indie Films at “King of Philippine Television” dahil sa mahusay niyang pagganap at kamangha-manghang pag-arte. Isa siya sa pinakahinahangaang aktor ng kaniyang henerasyon at mayroon na siyang 80 mga pagkilala o award at nasa 30 nominasyon mula sa mga kilala at nagpipitaganang organisasyon mula pa 2006. Dahil sa dami ng mga biyayang kaniyang nakakamit, hindi na nakapagtataka na makapagpundar at makabili ng mamahaling mga sasakyan. At isa na marahil dito ang ipinagmamalaki niyang Black Rhino Wheels. Talaga namang kitang-kita sa kaniyang social media account ang kaniyang pagtatangi sa sasakyan niyang ito. At mukha talaga itong mamahalin at iba ang datingan kumpara sa ibang mga sasakyan. Talaga nga namang nakakamangha ang mga tagumpay na ito ng aktor ng “FPJ’S: ANG PROBINSIYANO” na si Cardo, aakalain mo bang sa dami ng kaniyang pinagdaanan sa buhay ay magkakaroon siya ng ganitong magarang sasakyan at buhay na talaga namang matagumpay.




Marami din naman sa kaniyang mga kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng pagbagi at paghanga sa aktor. Talaga namang nararapat lang sa kaniya ang kaniyang mga tinatamasa ngayon dahil sa matinding kasipagan at tiyaga na kaniyang ipinamalas. Samantalang karamihan din sa mga netizen ang nagsabing kasing-gwapo ni Coco Martin ang kaniyang Black Rhino Wheels!




error: Content is protected !!