Isang katulong dati, nagtapos sa PMA, ngayon ay sasali na sa NAVY



Kadalasan sa mga nagsusundalo ay mga lalaki. Pero mayroong ilan din sa mga kababaihan ang mga nagsusundalo. Hindi biro ang trabaho na ito. Dahil itataya mo ang iyong buhay sa bawat i-atas sa iyo ng namumuno. Gayon pa man, marami pa rin ang pinapangarap ang propesyon na ito. Sa kagustuhang mapaglingkuran ang bansa at ang kagandahan ng benepisyo at sweldong makukuha. Ito ang pangarap ni Meriam Libongcogon ang maging isang sundalo. Pero hindi naging madali ang pinagdaanan niya upang marating ang pangarap.


Magaling na mag-aaral si Meriam, sa katunayan ay nakapag-tapos siya ng pagiging valedictorian at naging isang iskolar sa high school. Pero dahil sa kahirapan, hindi kaagad siya nakapag-kolehiyo dahil sa kakapusan sa pera. Minabuti niyang kumayod at magtrabaho bilang isang katulong sa Cebu. Kahit na naisipan na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral, sa klase ng trabaho ay hindi kakayanin ito. Pangarap niya ang maging sundalo, pero marami ang pumipigil sa kanya dahil na rin sa pagaalala. Pero hindi siya nagpa-tinag at sinunod ang sarili niyang pangarap.




Ayon kay Meriam:
“Ayaw po ng mama ko noong una kasi natakot siya kasi military. Pero nagpursige po ako. Hindi ako nakinig sa kanila. Marami po silang umayaw, pati po mga mga tiyahin ko at tiyuhin. Hindi po ako nakinig kasi alam ko pong opportunity ko na po ‘yun,”



Sa kabila ng mga pagsubok, siya ay napapadpad sa Baguio upang mag-aral ng pagsusundalo sa PMA. Ang Philippine Military Academy sa Baguio ay nagbibigay ng libreng pag-aaral at allowances para sa mga mag-aaral nila na mula sa mahirap na pamilya. Pinagbuti ni Meriam ang kanyang pag-aaral at hindi inisip na umalis sa PMA.



“Ang paghihirap hindi sagabal para matupad ang mga pangarap. Mag-persevere ka lang,” – idinagdag pa ni Meriam.

Noong Marso 12, 2018 ay nakapag-tapos siya bilang 2nd lieutenant kasama ang PMA Salaknib Class ng 2017. Ngayon, ang 25 na taong gulang na si Meriam ay isa nang Philippine Navy.






error: Content is protected !!