Makulay at maliwanag sa gabi! Ito ang 10,000 Tulips sa Layugan Garden sa Abra



Marami sa atin ngayon ang nahihiligan ang pamamasyal sa maraming lugar. Madalas pa nga ay ito ang pinag-iipunan. Sa kagustuhang maka-pasyal sa maraming lugar o kaya naman ay makapag-ibang bansa, talagang todo paghahanda ang ginagawa. Pero nakaka-lungkot minsan isipin na mas minamabuti ng karamihan ang mamasyal sa ibang bansa imbis na tangkilikin ang sariling atin. Napaka-raming pwedeng mapuntahan sa ating bansa na talagang hindi matatawaran ang kagandahan. Kung iisipin lamang, nakapamasyal ka na, naka-tulong ka pa sa iyong kabayan.


Gayon pa man, kanya-kanya tayo ng pananaw sa mga kagustuhan, pero kung sakaling magbago ang isip, ito ang isang halimbawa ng magandang puntahan sa ating bansa. Ito ang Layugan Garden na matatagpuan sa Bucay, Abra. Ang hardin na ito ay nahahalin-tulad sa hardin ng Tulip sa Holland. Ang Layugan Garden ay pagmamay-ari ng dating mayor na si Victorino Bayona Jr.




Ang hardin na ito ay nagbukas noong Enero ngayong taon. Ito ay dinadayo ng maraming mga tao lalong lalo na sa mga nagpapa-kasal para sa kanilang photo sh00t. Aakalain mong mga tunay na Tulips ito pero hindi. Ito ay mga LED lights na Tulip na nagliliwanag tuwing gabi na may bilang na 10,000. Ang mga Tulip kasi ay tumutubo lamang sa mga malalamig na lugar katulad na lamang sa Netherlands.


Sa isang interview sa ABS-CBN ng head ng Opisina ng Bucay Tourism na si Roger Bernal, ibinahagi niya ang dahilan ng pagka-gawa nito. Binisita ng dating mayor ang 10,000 Roses Care sa Cebu. Nagandahan ang mayor at naisipan naman na ang gawin ay Tulip upang hindi magaya.



Ito ang sinabi ni Roger:
“Nag-come up lang sa paglalakbay ni mayor. Nagpunta siya ng Cebu, nagpunta siya ng Davao, nag-research siya kung saan io-order,”
“Para ‘di ma-duplicate ‘yong 10,000 Roses, tulips naman ‘yong in-order niya,”

Ang lugar na ito ay nagawa din upang maka-dagdag ng turismo sa Abra. Nagbubukas ang Hardin ng 9AM at nagsasarado ng 9PM. Mura lamang ang entrance fee, sa halagang 20Php sa umaga at 30Php sa gabi ay mae-enjoy mo na ang 10,000 Tulips.





error: Content is protected !!