Isang bata ang gumawa ng isang eskwelahan para sa mga batang hindi nakakapag-aral



Marami sa atin ang maswerte dahil nakakapag-aral sa mga eskwelahan. Pero marami ding mga kabataan na dahil sa kahirapan ay hindi nakakapag-aral. Ang sabi nila, ang edukasyon ang susi para sa kinabukasan. Pero paano magkakaroon ng kinabukasan ang mga hindi nakapag-aral? Paano na sila?



Nakaka-lungkot isipin pero laganap ang hindi nakakapag-aral sa buong mundo dahil sa kahirapan. Kung sana ay lahat ng eskwelahan ay walang ng bayad malamang ay lahat ay natututo sa mga paaralan. Pero para sa mga taong nabiyayaan ng pagkakataong makapag-aral, sana ay matularan niyo ang ginawa ng isang batang lalaking ito na nagmula sa Argentina.


Si Nicanor Quinteros ay isang magaaral sa secondary school sa kanilang lugar. Dahil napansin niya na marami ang hindi nag-aaral na mga kabataan sa kanilang lugar. Minabuti niyang magturo para sa kanila. Mas bata sa kanya ang tinuturuan niya na pakalat-kalat lamang sa kalsada ng kanilang lugar sa Las Piedritas, San Juan, Argentina. Ang mga batang tinuturuan niya ay mga hindi na pumapasok dahil sa kahirapan o kakulangan sa pera. Ang kawang gawa ni Nicanor para sa mga kabataan ay pinahintulutan ng mga magulang ng mga bata.


Sa tulong ng lola ni Nicanor, naka-gawa sila ng maayos na classroom at may lugar din para sa recess. Si Nicanor ang nagsilbing guro at principal ng mga batang ito. Gamit ang mga kaalaman niya ay ibinabahagi niya ito sa mga estudyante niya.




Sa kasalukuyan ay mayroong 40 na estudyante si Nicanor sa nagawang eskwelahan. Sa pagtuturo niya, mapapansin na malaya magsuot ang mga estudyante ng nais nila. Kung aabsent naman ang estudyante niya nagbibigay din siya ng ilang oras para magturo sa gabi. Nakakatuwa na sa murang edad ay naiisip na Nicanor ang pagtulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagtuturo. Dahil sa pinamalas niyang kabutihan, pinuri siya ng maraming tao sa social media.





error: Content is protected !!