Huminto ang bata na ito sa gitna ng kaniyang paglalakad at nagbigay pugay bilang paggalang sa Lupang Hinirang!



Hindi na kailangan pang ipaalala sa ating mga Pilipino kung paano natin dapat igalang ang watawat ng ating bansa pati na rin ang ating pambansang awit. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nakakalimutan na natin ang paggalang at pagpapahalaga sa ating watawat at pambansang awit.


Ngunit kamakailan lamang ay talaga namang hinangaan ng marami ang isang batang ito dahil sa kaniyang pagbibigay galang sa ating pambasang awit. Siya ay namataang naglalakad sa gilid ng kalsada at bigla na lamang siyang huminto ng marinig ang Lupang Hinirang at makikitang siya ay nagbigay pugay sa pambasang awit ng Pilipinas. Siya ay nakilala bilang ang 9 na taong gulang na si Jerick Caminero. Siya ay nasa unang baitang na ng elementarya sa Bogo Elementary School sa Argao Town, Southern Cebu. Ayon din sa netizen na nagbahagi ng larawan ng bata na nakilala rin bilang si Glynis Amazona, marami pang ibang mga estudyante na katulad niyang naglalakad ngunit tanging si Jerik lamang ang huminto at nagbigay galang. Kahit pa kapansin-pansin na pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid ay hindi pa rin siya natinag nito.




Dahil sa pagiging makabayan na ito ni Jerik ay talaga namang hinangaan siya ng maraming mga netizen at talaga namang nakapukaw ng atensyon ng maraming mga Pilipino na tila nakakalimot na ng kahalagahan at tunay na kahulugan ng pagiging makabayan. Hindi dapat malimutan ng kahit sinumang Pilipino, bata man o matanda ang tamang paggalang at pagrespeto sa ating bayan ay hindi dapat ipinagsasawalang bahala. Dahil iba pa rin ang ating lahi na kilala dahil sa pagmamahal sa sariling bayan.




error: Content is protected !!