Isang misis ang napalapit sa kabit ng kaniyang mister at sila ay magkasama pang naninirahan sa kanilang tahanan!



Dahil sa magkasamang nakatira sa iisang bubong ang legal na asawa at ang ikalawang babae ng kaniyang mister ay talaga namang nagkalapit na at nagkapalagayan ng loob. Kung ikaw ang tatanungin? Pabor ka ba sa ganitong sistema?


Sa panahon ngayon, pagtataksil at pangangaliwa na nga ang ilan sa pinaka nagiging problema ng maraming magkasintahan lalo na ng mga mag-asawa ngayon. Sa ganitong sistema hindi naman masasabing ligtas na sa kasalanan ang taong walang alam sa kaniyang pinapasok na relasyon o yaong mga kabit.




Kamakailan lamang, isang pamilya sa Butuan, Agusan del Norte ang naging usap-usapan sa social media dahil sa kakaiba nilang tahanan na naging parte pa ng sikat na palabas na Kapuso Mo: Jessica Sojo. Ang nasabing kwento ay nagsimula sa lalaking nagngangalang Junior Boligor, ang kaniyang asawa na si Tess at kabit na si Gena. Ayon kay Tess, hinahayaan na niyang manirahan kasama nila ang ibang babae ng kaniyang mister dahil sa takot na hindi na niya makita ang mister at hindi na ito makagisnan ng kaniyang mga anak. Ayon naman kay Junior pareho niyang mahal ang dalawang babae at hindi niya kayang mamili sa mga ito. Kung kaya naman nakasanayan na nila na magkasabay silang maghahanda ng pagkain, sabay-sabay silang kakain at magtatrabaho sa bukid. Kung matutulog naman ay katabi ni Junior si Gena habang si Tess ay katabi ang kaniyang mga anak.



Nagsimula ang lahat ng palaging sumasakay si Gena sa “habal-habal” ni Junior papunta at pauwi mula sa trabaho. At doon na nga nagsimula ang kanilang matamis na pagtitinginan. Lingid sa kaalaman ni Gena na ang kaniya pa lang minamahal ay mayroon nang asawa at mga anak.


Makalipas ang dalawang taon ay napag-alaman ni Gena na mayroon na ngang asawa si Junior dahil na rin sa pagbubunyag ng pinsan nito. At agad naman siyang lumayo dito. Agad naman siyang hinahanap ni Junior ay sila nga ay nagsama na. Makalipas ang ilang buwan ay hinahanap na ng anak nila ni Tess ang haligi ng kanilang tahanan. Kung kaya naman hinayaan na ng ilaw ng tahanan ang karagdagang miyembro ng kanilang pamilya. At naging malapit na nga ang dalawang babae na ito sa isa’t-isa, dahil sa kanilang pagmamahal sa isang lalaki.





error: Content is protected !!