Isang nobya ang sumorpresa sa kaniyang minamahal nang regaluhan niya ito ng bagong sapatos!



Ang bansang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga bansang konserbatibo at talaga namang mayroong mga bagay na tanging lalaki lamang o kaya naman ay babae ang makakagawa ng ilang mga bagay na ito. Halimbawa na lamang ay ang mga kalalakihan na inaasahang magprotekta at magtaguyod ng kanilang pamilya. Sila rin naman ay kilala rin bilang lider ng isang komunidad o ng ating bansa. Sa kabilang banda, kababaihan naman ang inaasahan na mag-alaga at mag-aruga sa mga anak at sa pamilya nito. Maging ang mga gawaing bahay ay sila rin ang nangangasiwa.


At sa paglipas nga ng panahon ay unti-unti nang nabago ang ilan sa mga kaugaliang ito. Mayroon nang mga trabaho na kung dati ay lalaki lamang ang maaaring makapagtrabaho ngayon ay kayang-kaya na rin ito ng mga kababaihan. Kamakailan lamang isang magkasintahan ang naging usap-usapan ng social media at nakilala sila bilang sina Dominic Jose Largo at Justine Faith Angeles.





Ikinagulat ng maraming mga netizen ang ibinahaging larawan ni Dominic kung saan siya ay niregaluhan ng bagong sapatos ng kaniyang kasintahan. Ayon pa sa caption ng binata, hindi man niya nakuha ang kaniyang reservation sa nais niyang brand ng sapatos ay laking tuwa pa rin niyang nakabili ng ganitong sapatos ang kaniyang nobya sa online. Dagdag pa niya kung ito na ang trending o uso ngayon dahil sa babae na ang nagsosorpresa sa kanilang mga nobyo. Sa ngayon ay mayroon nang 23.7 libong reaksyon at 28.7 libo na shares at dumarami pa.


Tunay ngang hindi na usapin sa ngayon kung lalaki ka man o babae, hangga’t gusto mong regaluhan at iparamdam sa taong mahal mo na mahalaga siya at pinahahalagahan mo siya ay wala naman sigurong masama o mali dito. Lalo na kung ang salapi na ginamit ay talaga namang pinaghirapan ng taong buong puso at masayang nagbigay nito.