Isang higanteng repolyo na halos kasing laki ng tao ang napalaki sa bansang Australia



Para sa mga mahihilig magtanim. Isang biyaya maituturing ang magandang ani. Pero hindi ito simpleng gawain. Kinakailangan nito ang masinsinang pagtutok at maayos na talento upang maging maganda ang ani.

Imahe mula sa Facebook page ng Forest Walks Lodge



Kaya naman, kapag dumating na ang anihan, lubos na ikinatutuwa ito dahil sa tagal ng inantay at sa sakripisyong ginawa. May kasabihan nga tayo, “Kapag may itinanim, may aanihin”. Pero kung sa literal na kahulugan ang iintindihin, simple lang ang kahulugan nito, magtanim ka, alagaan at protektahan, siguradong aani ka. Sa ilang mga nagtatanim ng gulay at prutas, madalas na ipinagmamalaki kung maka-ani ng mga sobrang laki. Alam kasi natin ang kadalasang sukat ng mga ito. Kaya kung napalaki ang pananim ng higit pa sa inaasahan, ito ay ipinag-mamalaki.

Katulad na lamang ng mag-asawa na sina Rosemary Norwood at Sean Cadman na taga-Australia. Sila ay nakapag-palaki ng isang repolyo na halos kasing laki ng isang tao. Nakaka-bilib talagang isipin ang pangyayari, ibinahagi nila ang kanilang nakaka-manghang ani sa kanilang taniman sa kanilang eco-tourism guesthouse sa Jackey’s Marsh sa isla ng Tasmania. Ibinahagi ng mag-asawa ang ginawa nila upang mapalaki ng ganito ang repolyo. Itinanim nila ito noong nakaraang Abril at napag-tagumpayan nilang itaboy lahat ng peste sa loob ng siyam na buwan. Sa kanilang guesthouse na tinatawag nilang “Forest Walks Lodge” na matatagpuan sa isla ng Tasmania, dito nila pinalaki ang repolyo. Upang mabugaw at ma-protektahan ang pananim, nilagyan nila ang palibot ng mga wire fence, nilagyan din nila ng net upang proteksyon para sa mga peste katulad ng wallabies at possums maging ang ilang nga insekto katulad ng paru-paro, suso, at linta.

Imahe mula sa Facebook page ng Forest Walks Lodge



Lubos na ipinagmalaki nila ang malaking repolyo dahil hindi naman palaging ganito ang ani nila. Ayon kay Rosemary Norwood sa isang interview:
“It doesn’t always work out like this,”


Ayon pa kay Rosemary, ang pagka-tuwa nila sa malaking repolyo ay tangi nila sa:
“a good, wet spring, good rainfall and hot weather in the early summer.”

Ang na-aning repolyo ay magagamit nila sa loob ng dalwang linggo upang maluto bilang pangunahing sahog sa mga luto katulad ng coleslaw, German rotkohl at salads para sa mga panauhin o magiging bisita nila.




error: Content is protected !!