Mga throwback photo nina John Prats at Marc Solis usap-usapan ngayon ng marami! Bagets na bagets pa sila!



Sino ba naman ang hindi makakakilala sa karakter nina John Prats at Marc Solis sa isa sa pinakainaabangang programa sa ABS-CBN gabi-gabi, FPJ’s: Ang Probinsiyano. Ginagampanan nila ang mga karakter nina Rigor at Jerome na mga mabubuting alagad ng batas dati na ngayon ay miyembro na ng “Vendetta” na pinamumunuan na ngayon ni Ricardo Dalisay na si Coco Martin naman ang gumaganap. Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng maraming mga netizen ang throwback photo nina Marc Solis at John Prats na kuha noong sila ay mga teenager pa lamang.


Si Marc Solis ay kabilang noon sa isang sikat na all-male group na kilala bilang Koolits. Kasama niya dito noon si John Lloyd Cruz taong 1990’s. Maging sa youth-oriented show na “Ang TV” ay napabilang din siya. Ginampanan niya din ang karakter ni Omar sa sikat na 1995 fantasy movie na “Magic Temple”.




Habang si John Prats naman ang nakakatandang kapatid ng aktres na si Camille Prats. Siya ay kilala din bilang isang aktor, komedyante, mananayaw, TV host, modelo, at negosyante. Taong 1992 nang magsimula siyang maging isang child star. Kasama sina Stefano Mori at Carlo Aquino ay nakilala din siya sa band group na JCS. Hindi rin maipagkakailang isa siya sa mga kinakiligan at hinangaang teen star noong 90’s. Sa ngayon ay masaya siya sa buhay may-asawa kasama ang kaniyang misis na si Isabel Oli at sila ay biniyayaan ng dalawang mga anak na sina Lilly Feather Prats at Daniel Freedom Prats.


Bukod pa rito ay isa na ring direktor si “Pratty”, ilang music video at concert na din ang kaniyang nadirek. Kabilang din siya sa Sunday gag show na “Banana Sundae” kasama sina Angelica Panganiban, Jason Gainza, Pooh, Ritz Azul, Pokwang at marami pang iba.





error: Content is protected !!