Sila ang mag-kaibigang aso at pato! Magpapa-tunay na walang imposible sa pakikipag-kaibigan



Sa panahon ngayon, marami ang nagsasabi na mahirap maka-tagpo ng tunay na kaibigan. Sinasabi din ng iba na ang isang tunay na kaibigan ang magiging karamay mo sa mga problemang darating sa buhay. Ang kaibigan din dapat ang mag-aangat sayo at hindi ka hahatakin pababa.



Gayon pa man, sa pagpili ng kaibigan, ang nagiging batayan din nila ang pagkakaroon ng pagka-parehas. Ito kasi ang katangian upang magkasundo kayo bilang magkaibigan. Marahil ito ang nagiging dahilan ng pag-iwas sa mga ibang lahi o sa mga kina-aayawang klase ng tao. May isang nakaka-tuwang kaganapan kung saan ang isang aso ay nakipag-kaibigan sa isang pato.


Si Patrick at Kirsten Riley ang nag-alaga ng husky na ang pangalan ay Max. Limang taon pa lamang si Max noon ng ito ay inampon. Ang mga nag-ampon sa aso ay naka-tira sa Strout Minnesota. Mayroong kaibigan si Max na isang husky din na ang pangalan ay Sasha. Ang nakaka-lungkot lang ay binawian ng buhay si Sasha na naging dahilan ng pagka-lumbay ni Max.



Ang nakaka-tuwang pangyayari ay naganap noong nag-alaga sila ng isang pato na ang pangalan ay Quackers. Nakaka-bilib na pangyayari ang nasaksihan nila Patrick at Kirsten ng naging kaibigan ni Max si Quackers.


Ayon sa isang panayam ni Patrick sa WCCO-TV:
“Max would sit next to his pen all the time, and they just kind of bonded that way,”
“After we let him out, they never left each other’s side.”

Idinagdag pa ni Kirsten:
“They sleep together, they eat together, they drink together, they go for walks together,”
“Everything is together.”




Ang pagiging magkaibigan ni Max at Quackers ay hinangaan ng maraming tao. Madalas silang makitang naglalakad sa Highway 28 at ang mga dumadaang mga sasakyan ay napapahinto upang mamangha sa pagkakaibigan ng isang aso at pato.




error: Content is protected !!