Bangs Garcia sobrang hands-on sa pag-aalaga sa kaniyang baby girl!



Tunay ngang masarap sa pakiramdam ang maging isang ina. Ito ay isang napakagandang biyaya at pagpapala sa maraming indibidwal. Bagamat may kaakibat itong hirap at mga pagsubok marami pa din namang mga magaganda at positibong naidudulot ang pagiging isang ina.



Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng marami ang ibinahaging video ng aktres na si Bangs Garcia sa kaniyang social media account. Siya ay naglilinis ng kanilang bahay kasama ang kaniyang isang taong gulang na anak. Pinapakita at tinuturuan niya din ang kaniyang anak sa gawaing bahay. At talaga namang hindi nagpahuli ang bibong bata dahil sa pinunasan niya ang natapon niyang gatas sa sahig gamit ang tissue.

 

View this post on Instagram

 

It’s never too early to get kids involved helping with household chores!? Doing chores will help your child feel like they’re part of the team. Initially, it’ll be ‘playtime’ for them; but, eventually, they would learn that these duties are a part of daily life and that everyone has a role to play in running the household. Children should know that families are built on mutual obligations and that family members need to help each other. While their efforts may make only a small contribution or none at this stage, you’re teaching them that helping is reasonable and fun. Give them every opportunity and offer them plenty of praise, in time the results will improve too. This will also help build their confidence and self-esteem. Showing and teaching your child how to do household chores may be one of the most important things you’ll ever do. Children who know how to do chores will also learn responsibility and gain important life skills that will serve them very well throughout their lives. Studies show chores are good for children. Research from a well-known 75-year Harvard study examined the childhood psychosocial variables and biological processes that predicted health and well-being later in life. Researchers concluded that kids who had chores fared better later in life. Chores were the best predictor of which kids were more likely to become happy, healthy, independent adults. So…start them young!?? #MotherAndDaughter #AmeliaBirchmore #14monthsOld #StartThemYoung #HouseholdChores

A post shared by Valerie Garcia-Birchmore (@valeriebangsgarcia) on


Ayon pa sa ibinahaging post ng aktres na malaki ang maitutulong ng pagtuturo ng maaga sa mga bata ng gawaing bahay dahil sa sila ay parte ng pamilya, nararapat lamang na matuto sila sa ilang mga gawaing bahay habang sila ay bata pa. Makakatulong din ito upang mas maging responsable sila sa kanilang paglaki. Ito din ay nakakatulong ng pagpapaunlad ng kanilang kompiyansa sa sarili.


Si Bangs Garcia o mas kilala rin bilang si Valerie Garcia ay isang aktres at pintor mula sa Davao City. Siya ay ikinasal sa kaniyang Filipino-British na asawang si Lloydi Birchmore. Disyembre 2017 nang sila ay biniyayaan ng anak na babae na pinangalan nilang Amelia. Sa ngayon ay nakabase ang kaniyang pamilya sa United Kingdom.



Talaga nga namang kahit may anak na si Bangs ay hindi pa rin niya nakakalimutang alagaan ang kaniyang sarili at ang kaniyang pangangatawan. Sa hubog ng kaniyang katawan ay tila hindi nga siya nanganak. Higit pa rito ay hands-on na hands-on siya sa pag-aalaga at pag-asikaso sa kaniyang pamilya.




error: Content is protected !!