Harbor Cottage Houseboats, Mainam pang-bakasyon ng pamilya o mga kaibigan



Sa sobrang pagod sa trabaho at sa nais na maging masaya, naiisipan nating malayo ng lugar upang makapag-pahinga. Malayo din sa mga maiingay na kapit-bahay at magulong kapaligiran. Karaniwang naiisip ay malapit sa kalikasan at mas madalas na pinipili ay mga beach resorts. Dahil sa kagandahan ng kalikasan ay siguradong nakaka-relaks ang pakiramdam.


Pero napag-tanto niyo din ba minsan na sana ay naka-tira ka sa bahay na palutang-lutang lang sa dagat o ilog? Iyong tipo bang walang mang-gugulo sa pagtulog o pagpapahinga mo? Ito na ang kasagutan! Ito ang mga Harbor Cottage Houseboats na makikita sa Somerset, Kentucky. Ang mga houseboats na ito ay palutang-lutang sa lawa ng Cumberland. Ang lugar ding ito ay binansagang “The Houseboat Capital of the World”.




Kumpleto ang mga houseboats sa mga pangangailangan. Mayroong ding mga hot tub at slide na diretso sa tubig. Kung nais mong mag-renta ng Houseboat, may mga swak sa budget para ma-enjoy ang kaligayahang dulot nito. Ang maliit na houseboat ay mayroong dalawang kwarto, isang banyo, at maluwag na kainan. Ang cabin din ay mayroong upper deck at dalawang may silong na balkon.



Ang kusina din ay kumpleto sa gamit. Mayroong mga refrigerator, oven, at microwave para sa mga pagkain. Pero ang pinaka-paborito ng mga nag-pupunta dito ay ang upper deck. Dito ang magandang lugar upang mahiga at tanawin ang ganda ng lawa at paligid.


Ito ang pinaka-perpektong lugar upang maka-iwas sa mga nakaka-istorbong kapit bahay at nakaka-inis na ingay sa paligid. Maka-langhap din ng malinis na hangin na malayo sa mga usok at polusyon.



Ang kumpanya ng houseboats ay nagbibigay ng maraming pagpipilian depende sa kakayahan. Pwede kang maka-kuha ng floating cabin sa halagang 9,000 dollars. Kaya naman kung naiisipang mag-invest baka ito na ang gusto mong property. Para masaya lagi ang bakasyon na kasama ang mga mahal mo sa buhay.




error: Content is protected !!