Kilalanin natin ang lalaking na-deport dahil sobra siyang gwapo! Ano na kaya ang buhay niya ngayon?



Kasalanan na ba ang maging gwapo? Pero kung papipiliin ka ano mas gusto mo, maging pangit o gwapo? Siyempre alam na natin ang kasagutan diyan. Pero alam niyo bang minsan ay nagiging problema ng isang indibidwal ang sobrang kagwapuhan? Sobra naman! Pero nangyari talaga ito. Si Omar Borkan Al Gala na may edad na 28 ang sinasabing lalaki na dineport dahil sa sobrang kagwapuhan. Ipinanganak noong Setyembre 23, 1990 sa bansang Iraq, si Omar ay isang Poet, Modelo, at isang Photographer.


Nagsimula ang kasikatan niya noong pinaalis siya sa bansang Saudi dahil sa sobrang kagwapuhan. Kaya na-deport sa bansa dahil nang napunta sila Omar kasama pa ang dalawang kaibigan sa isang cultural festival sa saudi, dito ay natakot ang mga opisyales na baka pagkaguluhan siya ng maraming kababaihan. Ang kwentong ito ay nag-viral at sa loob lamang ng 48 na oras ay sumikat na kaagad ang kanyang Facebook page at nagkaroon ng 800,000 likes. Sa loob din ng 2 taon ay nanahimik lang siya at hindi niya kinumpirma na totoo o peke ang pangyayaring ito. Pero ito ang naging dahilan upang sumikat siya.




Gayon pa man, matagal na ang pangyayaring ito. Ano na kaya ang buhay niya ngayon? Dahil sa kasikatan niya dumami ang gustong kumuha sa kanya. Kaso nagtataka ang ilan kung bakit bigla nalang siyang nawala. Katulad ng lahat ng tao, nagbabago ang pisikal nating anyo, sobrang gwapo ka man ngayon, pagtanda mo ay kukulubot din ang mukha mo.


Sa isang imbitasyon kay Omar sa Vietnam, hindi inaasahan na iba ang itsura niya sa mga litratong nakikita. Gwapo naman daw pero hindi kasing gwapo ng nasa mga larawan. Nadismaya din ang ilan sa ugaling ipinakita ni Omar. Marahil ang balitang ito ang naging dahilan ng paglaho niya sa kasikatan.



Pero asan na kaya siya ngayon? Ang dating taga-dubai ay lumipat na ngayon sa Vancouver Canada. Nagbago man ang itsura, pero hindi na mawawala sa isipan ng ibang nakaalam ang istorya ng kanyang kagwapuhan.




error: Content is protected !!