Lalaking gumawa ng Kastilyong Buhangin, Tinirahan ng 22 na taon!



Isang malaking pagsubok para sa mga mahihirap ang magkaroon ng sariling bahay. Malaking halaga ang kinakailangan upang magkaroon ng isang maayos na bahay. Kaya marami sa mga kapos-palad ay gumagawa ng paraan upang magkaroon ng matitirahan. Ang iba naman ay nag-rerenta.


Pero may isang lalaki ang gumawa ng paraan upang maka-iwas sa pagbabayad ng renta. Dahil gumawa siya ng sarili niyang bahay gamit ay buhangin. Siya si Marcio Mizael Matolias na may edad na 44 na gumawa ng sarili niyang kastilyong buhangin sa Barra da Tijuca na isang kilalang lugar din sa Rio de Janeiro, Brazil.




Tinatawag siya sa kanilang lugar bilang si King Marcio dahil lagi siyang may suot na plastik na korona at may bitbit din lagi na tungkod. Sa labas ng ginawa niyang Kastilyong Buhangin ay may trono siya na madalas niyang upuan. Sa loob ng 22 na taon ay nagawa niyang maka-iwas sa pagbabayad sa matitirahang bahay dahil ang ginawa niyang kastilyong buhangin ang nag-silbing kanyang tahanan.


Dahil sa napaka-gandang pagkaka-gawa ng kastilyong buhangin, naging isang panghatak sa mga turista ang nasabing lugar. Pero hindi biro ang manirahan sa isang buhangin na bahay, kinakailangan niya palaging basain ang buhangin upang manatili ang tigas nito. Naging daan ang talento ni Matolias upang madiskubre siya sa kanilang lugar. Sa katunayan ay kinukuha siya ng mga malls upang gumawa ng mga pang-dekorasyon na gamit ay buhangin.




Ilan pa sa hilig ni Matolias ay ang pagbabasa ng libro. Ito rin ang isa sa mga pinagkaka-kitaan niya sa kanyang tirahan na dinadayo ng maraming turista. Ang kanyang kwarto ay may sukat na 3 square meters na karaniwan ay makikita sa loob ay mga libro. Nakaka-bilib ang ginawa ni Matolias, ngunit mahirap ang pinili niyang paraan ng pamumuhay. Pero kapag gusto mo ang ginagawa mo walang mahirap dito.





error: Content is protected !!