Naiwan siya ng eroplanong dapat sana ay sasakyan niya, di niya akalaing ito pala ang magliligtas ng kaniyang buhay!



Marahil ay madalas na nating nadidinig na ang mga aksidente ay hindi mo talaga inaasahang mangyari at hindi mo gugustuhing mangyari sa iyo o sa iyong mga mahal sa buhay. Ngunit kung hindi ka talaga nakatadhanang makaranas nito ay tunay ngang gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana upang ikaw ay makaligtas.



Marahil ito ang nangyari sa isang opisyal ng Indonesia’s Finance Ministry na nakilala bilang si Sony Setiawan. Naipit siya sa sobrang trapik habang siya ay patungo ng Soekarno-Hatta International Airport. Laking pasasalamat na lamang niya nang naiwan siya ng eroplanong Lion Air Flight JT 610 dahil sa ilang minuto pa lamang ito sa himpapawid ay nagkaroon na ito ng problema at bumagsak.


Matapos nga ang ilang minuto nang magpasahimpapawid ang JT 610 ay bigla na lamang itong nawala sa radar control tower at bumagsak na nga sa Java Sea. Si Setiawan ay lumipat na lamang sa kabilang airline upang makapunta sa Pangkal Pinang. Matapos nito ay nalaman na lamang niya ang nangyari sa dapat sana ay sasakyan niyang eroplano nang bigla siyang palibutan ng mga media. At hindi na nga niya napigilan pa ang mapaluha dahil sa naroon din ang kaniyang mga kaibigan sa bumagsak na eroplano. Hindi naman siya nag-aksaya ng sandali at agad na tinawagan ang kaniyang pamilya at pinabatid ang kaniyang ligtas na kalagayan. Bagamat nagulat ng lubos ang kaniyang pamilya ay nagpasalamat pa rin sila na nailigtas siya sa tiyak na kapahamakan.


Maraming mga katawan ang nakuha ng mahigit na 300 na mga sundalo, mga pulisya at lokal na mangingisda ang nagtulong-tulong sa pagsasalba ng mga gamit o pagkakakilanlan at katawan ng mga biktima. Nang kapanayamin naman ang Presidente ng Lion Air na si Edward Sirait binanggit nito na hindi niya batid ang dahilan kung bakit bumagsak ang naturang eroplano. Ang isang pilito ng eroplanong iyon ay mula sa New Delhi at Italian Citizen naman ang piloto na mayroong 6,000 flying hours at 5,000 flying hours naman ang co-pilot.