6 na naitutulong sa kalusugan ng pagkain ng paa ng manok



Marami sa atin ang inaayawan ang pagkain ng adidas o paa ng manok. Sa mga ihaw-ihaw ay madalas nating makita ang pagkain na ito. Pero alam niyo ba kung bakit tinawag na adidas ang paa ng manok? Marahil ay inihalintulad ito sa itsura sa unang logo ng sikat na brand ng sapatos ng Germany ang Adidas. Dahil sa tatlong parang kuko ng manok.

May mga ilang tao na hindi gusto kainin ito. Siguro ay nandidiri sila sa orihinal na itsura nito noong hindi pa naluluto. Pero maraming mga sikat na kainan na may mga masasarap na luto dito o kahit na iyong nabibili sa mga ihawan. Sa pagkain ng paa ng manok, talagang mapapa-ngata ka upang masipsip din ang linamnam ng bawat parte nito. Maraming klase ng luto ang ginagawa dito, ilan dito ay ang adobo, tinola, kaldereta, inihaw, atbp. Para naman magbago ang isip ng mga taong inaayawan ito, alam niyo bang maraming mabuti ang idinudulot nito sa katawan ng tao? Ating alamin kung ano ang mga ito.



Ito ang 6 na naitutulong ng pagkain ng paa ng manok:

1. Nakakapag-tibay ng buto



Ang pagkain ng paa ng manok ay nakaka-tulong sa buto ng tao. Nagtataglay ang paa ng manok ng mga mineral katulad ng calcium, collagen, at protina. Ang calcium ang kinakailangan ng buto upang maging matibay.

2. Iwas atake sa puso at pagtaas ng presyon



Ang napaka-linamnam na pagkaing ito ay nagtataglay ng Potassium na nakakatulong upang mapababa ang presyon ng isang tao. Pati rin ang collagen na makukuha ay makakatulong din upang maka-iwas atake sa puso.

3. Nakaka-tulong sa malusog na gilagid




Ang ibang tao ay nasisiyahan sa pag-nguya ng paa ng manok dahil sa pagka-malagkit nitong pakiramdam. Alam niyo bang ang mga sustansyang nakukuha dito ay malaking tulong din sa gilagid dahil ito sa amino acid, collagen, at ilan pang mga substansya na parang gelatin.

4. Pinapatibay ang immune system upang hindi magkasakit


Nakaka-tulong din ang pagkain ng chicken feet upang hindi magkasakit. Nagtataglay ang paa ng manok ng maraming mineral katulad ng Phosphorus, Zinc, at Copper na nag-iiwas magkaroon ng karamdaman.

5. Nakakapagpa-ganda ng balat ng tao




Ang collagen ang isa sa mga nakaka-tulong upang gumanda ang ating mga balat. Dahil tinutulungan ng mineral na ito upang gumawa ng bagong cells at nakaka-tulong upang maging makinis ang balat.

6. Malaking tulong para sa may mga problema sa digestion


Ang masarap at malinamnam na pagkain ng paa ng manok ay nakaka-tulong din sa metabolismo ng katawan. Upang magkaroon ng maayos na digestion dahil sa mga mineral na nakapa-loob dito. Mas mainam din lutuin ito ng may sabaw upang mahigop katulad ng tinola

Source: TheCampFireThoughts




error: Content is protected !!